"Waahhh!"
"Ayessa?! Bakit? Hoi Z ano ginawa mo sa kapatid ko?"
"Hahahaha! Eh bakit hindi siya ang tanungin mo?"
"Kasi ate, Hindi ako manalo eh. Lagi akong talo. Dinadaya ata ako ni kuya Z eh."
"Hoi! Di kita dinadaya. Sadyang weak ka lang. Hahahaha! Isa pang game dali!"
"Ayoko na. Madaya ka."
"Kapag naglaro tayo at nanalo ka, itritreat kita ng movie sa weekend."
"Talaga? Eh Saturday bukas ah? So bukas na?"
"Kung mananalo ka."
"Sige. Game face on."
Ang kulit talaga ng dalawang toh. Mga 7 PM, dumating na sina Mommy.
"Hi Mommy. Daddy."
"Hi Tito. Hi Tita."
Medyo nagulat sina Daddy so kailangan ko mag-explain.
"Mommy, siya po si Zac Belmonte. Si Z."
"Oh my gosh. Ikaw na yan Zac? Ikaw na yung anak nina Zandra at Christian?"
"Opo. Kamusta na po?"
"Zac, anong tinatayo tayo mo diyan? Give tita a hug. Namiss ka namin. Kung alam mo lang si Bree iyak ng iyak noong umalis kami. Nagtago pa nga para di makasama sa States eh."
"Mom! Nakakahiya."
"Ahahaha! Talaga po tita?"
"Oo. Sorry ah umalis siya ng walang paalam. Biglaan kasi."
"Ok lang po yun."
"Iho, bakit hindi ka na lang dito matulog? Ipagpapaalam kita kina Christian."
"Oo nga kuya Z. Maglalaro pa tayo eh."
"Ayessa, nandito si Zac para magbonding ng ate mo."
"Ok lang yun tito."
"Ehemm! Nagluto na po ako. Kain na tayo?"
"Himala. Iba talaga nagagawa ni Z sayo Bree ah."
"Dati pa naman po ako nagluluto ah."
"Pero hindi ganito. Tignan mo puro Z nakalagay."
"Hala. Hindi ako may gawa niyan ah. Baka si Mallows. Oo, si mallows nga."
Nakakahiya. Paano ba naman kasi, yung lasagna may cheese na letter Z. Tapos yung binake kong cake korteng Z din."
"Ok lang yan ate. Boto ako kay kuya Z. Pag naging kayo edi lagi na ako may kalaro!"
"Hoy. Hindi nga ako may magawa niyan."
Nakakahiya talaga. Umakbay sa akin si Z.
"Ok lang Bree. Alam ko namang gwapo ako eh. You can't resist my charms."
Kumindat pa ang loko. Ayoko na talaga.
"Bwiset! Ayoko na. Bahala kayo. Kumain na lang kayo. Akyat na ako."
"Bree, honey wag ganyan. Ngayon mo na lang makikita si Zac oh."
"Oo nga ate. Ang pikon mo naman."
"Kain na tayo Bree. Tapos movie marathon tayo."
"K."
Ano pa bang magagawa ko? Hay. Tahimik na lang ako kumain. Nakakahiya talaga. Nagustuhan naman nila kaso nakakahiya kay Z.
After kumain si Ayessa na ang naghugas ng pinggan. Wala kaming katulong. Ayaw ni Mommy na masanay kami na may gumagawa para sa amin na kaya naming gawin
Nasa sala na kami. Si Daddy pumuntang study room, si Mommy naman kausap si Tita Zandra. Yes, kausap niya. Pinapunta ba naman dito eh. Namiss daw kasi nila ang isa't isa.
Kami ni Z? Magkatabi kaming nanunuod. Nakataas yung paa ko tapos nakalean ako sa kanya. Yung kamay niya nakaikot sa balikat ko. Bale nakaakbay siya sa akin. Comfortable naman kasi walang malisya sa amin at dahil dun sa movie kaya ganito pwesto namin.
Ganito kasi yun.
"Bree, anong gusto mong movie?"
"Bahala ka."
"Uhmm. Ok. Eto maganda."
Nagstart na yung movie. Parang pamilyar eh.
"Waahhh! Z! Patayin mo na. Huhuhuhu. Please."
"Chill lang Bree. Ang ganda na eh."
Coming Soon ba naman yung pinili. Sobrang takot na ako.
"Huhuhuhuhu. Tama na Z."
"Sus. KJ mo. Ganito na lang para hindi ka matakot. Halika dito."
Tapos ayun na yung pwesto namin. Tahimik lang akong nanunuod pero pumipikit ako pag nakakatakot. Hindi ko talaga kaya.
Hindi ko na alam sunod na nangyari. Nakatulog na ako eh.
BINABASA MO ANG
Laude o Lande
Teen FictionNakakatakot nga bang sumugal sa pag-ibig? Is it all worth it? Paano mo malalaman kung mahal mo na nga? May exam rin ba na kailangan mong ipasa para malaman na siya na nga? Baka naman may quiz rin? Huwag na lang kaya?