First Semester 53

56 1 1
                                    

One Month Later

Zac's POV

It's been a month since Bree pretended to have an amnesia. Masakit na makita silang magkasama ni Xander. Lagi silang magkasama dahil mga naman ang alam ni Xander ay may amnesia pa rin si Bree. Kailangan kong magtiis kasi nga mahal ko si Breanna. Mali na gumanti siya kay Xander pero mali rin naman siguro yung pagsisinungaling niya pati sa mga kaibigan namin. Alam ng parents namin na walang amnesia si Bree. Hindi nga lang nila alam iyong plano ni Bree na gumanti. Si Ayessa, alam niya ang bawat galaw ng ate niya. Kaming tatlo lang ang nakakaalam noon pati pala si Mochi. Sino si Mochi? Alaga namin iyon ni Bree. Binili ko para sa kanya noong minsang pumunta kaming mall. Ganito kasi yung nangyari:

"Z, ang boring naman dito eh. Laro na lang tayo sa Timezone." Pangungulit ni Breanna.

"Mahal, kakagaling lang natin doon ah. Ano ba yan? Kanina pa tayo naglalaro doon eh puro lang naman ako ang naglalaro. Sasabihin mo gusto mo magbasketball pero ako lang rin naman ang maglalaro. Gusto mo sumayaw doon sa Just Dance, iniwan mo naman ako sa ere. Nasa kalagitnaan tayo ng sayaw tapos titigil ka. Sasabihin mo boring yung sayaw. Tapos kanina naman na nag-5D tayo, sigaw ka ng sigaw. Inaway mo pa yung facilitator doon kasi sabi mo nakakatakot yung pinapanood sa atin. Eh ikaw kaya ang namili noon. Tapos naglaro tayo ng Resident Evil, eh daig ka pa ng bata kakasigaw mo eh. Wala pa ngang kalaban bumabaril ka na. Tapos sasabihin mo boring yun. Tapos naman inaway mo yung mga babaeng nakatingin sa akin. Naman, mahal. Di naman nila ako maagaw noh. Alam kong gwapo ako pero~ Teka, nasaan na si Bree? Kanina pa ako salita ng salita dito, wala naman pala akong kausap." Nawala nga si Bree. Nasaan naman nagpunta yun?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Laude o LandeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon