Ana's POV
Ana David here! Actually, I am from Ateneo talaga eh. My mum just asked me na magtransfer here sa UP. It's like mas maganda daw kasi sa UP. I don't get it. Hay nako. Anyway, nasa College of Arts and Letters ako. Ang lala kaya. I am always puyat dahil sa papers. Kaloka.
I am 18 na. Kasi nga transferee ako. Medyo hassle, kasi nga ang tanda ko na.
Nalaman ko pala na nandito ang Ultimate Crush ko. Hihihihi! Si Nathan.
I used to like him kaya. Pero ang lala coz he doesn't like me back eh. Sometimes, I thought na itigil na lang but then I knew in denial lang siguro si Nathan.
So, I was walking along the lobby when I saw many people making harang my way. Like, ang dami ng tao. Ang lala. So I was like saying Excuse Me Po and people make tabi naman.
Nakita ko na yung center. There I saw Xander making harana Bree. OMG! They look cute together. I hope Bree will make sagot him na kaso I know na gusto rin siya ni Nathan ko.
From here, narinig kong someone interrupted the scene. I looked for that stupid person. Nakakainis. Edi sana, Bree and Xander na.
I saw Nicole on the other side of the lobby. She looks disappointed and hurt. Oh with angry eyes too!
Nicole's POV
Naglalakad ako ngayon sa Palma Hall. Kakatapos lang ng class ko. Bakit ang daming tao?
What the hell? Bakit ang daming petals. May balloons pa.
I made my way through the crowd. I saw Xander saying something to Bree.
Masakit na makita ko siya na may nililigawang iba.
I had my chance pero sinayang ko. I was so stupid. I hate myself for that.
Back in my mind, I keep praying that Bree would not choose Xander. Please. I'll do everything to get what is mine before.
Nicole Fernandez doesn't share. I love him so much.
Bago pa ako makapagreact, someone stopped the mushy scene by shouting.
Thanks to that person. But who? Why?
POV ni Iris
16, female, BS Computer Science. IRIS LUCAS
Naalala niyo pa ba ako? Ako yung kaklase nina Bree sa Chemistry.
First day pa lang naging crush ko na si Zac. Hihihihi!
Ang cute niya kasi eh. Ang jolly niya pa. Basta gusto ko siya.
Nagulat ako ng sinabi sa akin ni Jovin na nanliligaw na daw si Zac kay Bree.
Palabas na ako ng right wing ng Palma Hall ng makita ko si Ana na nagmamadali pumunta sa lobby. Sinundan ko siya and nakita ko nga yung scene.
Sumigaw tuloy ako para mapigilan yun.
After ko sumigaw dahan dahan na akong umalis.
Narealize ko na nakakahiya pala yung ginawa ko.
Xander's POV
Badtrip. After sumigaw nung babae na hindi ko naman nakilala, tumakbo si Bree palayo.
Ano ba yan. Hahabulin ko dapat kaso naunahan ako ni Zac.
Pinigilan na ako ni Nathan.
"Xander, wag muna. Mas kailangan ngayon ni Bree ng kaibigan."
"Nathan, si Zac yun. May gusto rin siya kay Bree."
"Alam ko pero mas magugulo lang siya kung susunod pa tayo dun."
Umuwi na lang ako. Hindi na ako nagklase.
Zac's POV
Hinabol ko si Bree.
"Bree!"
"Wag muna ngayon Z."
"Naguguluhan ka ba?"
"Yes."
"Tara upo muna tayo."
Umupo kami sa bench sa Sunken Garden.
"Bree, ok lang kung sino ang piliin mo. Ang importante sasaya ka sa taong pipiliin mo. Kahit sino man ang piliin mo, nandito pa rin ako para sayo. No matter what I will always be the Z you knew."
"Z, nakapagdecide na ako."
Alam kong hindi ako pero umaasa pa rin ako na sana, kahit himala, ako ang piliin niya.
"Sino?"
Nakita kong nasa likod ni Bree si Xander at Nathan.
"Matagal ko ng gusto ang taong ito. Siguro tama lang na subukan ko. Sana naman maging masaya ka para sa akin."
"Bree kahit ano maging sagot mo, pangako lagi akong nasa tabi mo. Mahal kita at hindi magbabago yun. Ako si Z. Ako ang magiging protector mo. I love you."
Hinalikan ko siya sa noo dahil baka ito na ang huli. Hindi na muna ako magpapakita sa kanya kung sakaling hindi ako ang piliin niya. Sana kung sino man ang mapipili niya ay mamahalin siya ng buo at mahigitan niya ang pagmamahal ko.
"Z, Mahal na mahal rin kita. Ikaw ang una kong naging kaibigan. Ikaw rin ang nagparamdam sa akin kung paano mabawi ang nasayang na oras basta kasama ang taong mahal mo. Salamat Z kasi sa panahong kailangan kita lagi kang nanjan. Salamat kasi alam kong may makakapitan ako palagi. Ikaw ang nagturo sa akin ng lahat. Nagiging masaya ako kapag kasama kita. Hindi ko alam ano ang gagawin ko kapag nawala ka. Ayokong iwan ka pa ulit. Gusto ko lagi kang nandyan sa tabi ko. Gusto ko laging may Z na magpapatawa sa akin pag malungkot ako, magpapakalma sa akin kapag galit ako, magsasabing ok lang ang lahat, magmamahal sa akin ng buo at hahawak sa kamay na para bang hindi niya ako kayang pakawalan pero Z sorry. Sa pagkakataong ito, si Xander ang pinipili ko. Hindi dahil hindi kita mahal pero noon pa lang kapatid na ang turing ko sayo. Maniwala ka Z sinubukan kong mahalin ka pero hanggang dun lang talaga."
"Alam ko naman eh. Mahal kita walang magbabago dun. Pwede ba kitang mayakap?"
Bigla siyang yumakap sa akin at umiyak na ng umiyak. Masakit pero kailangan kong tanggapin. Noong una pa lang naman sinabi na niya na kaibigan lang tingin niya eh. Ako ang nagpumilit manligaw.
"Z. I'm sorry."
"Shhh. Tama na. Ok lang Bree. Nandito pa rin ako para sayo. Tandaan mo ah kapag niloko ka noon, ako ang papatay sa kanya. Oh Xander, ingatan mo ito ah. Kapag sinaktan mo siya, babawiin ko siya agad sayo."
"Xander?"
"Wag kang mag-alala Zac. Hinding hindi ko siya sasaktan. Pangako."
"Manghahawak ako sa sinabi mo. Ano bang role ko dito? Diba dakilang best friend."
Inakbayan na ni Xander si Bree. Siguro matagal bago ako makamove on. Aaminin ko umasa ako na ako ang pipiliin.
Napalingon naman ako sa tabi ko.
"Huhuhuhu! Bree bakit hindi ako? Huhuhuh! Mahal naman kita ah. Tapos mas gwapo ako kay Xander. Mas mayaman ako kay Zac. Bakit hindi ako?"
Abnormal talaga si Nathan. Natawa na lang sina Bree at Xander.
Mukhang masaya talaga sila. Siguro lalayo na muna ako pero babalik rin ako sa tabi ni Bree dahil alam kong kailangn niya ako.
A/N: Guys, ayan na ah nakapili na siya. Wag kayo malungkot dahil mahaba pa ang kwento. Nagsisimula pa lang tayo. :)

BINABASA MO ANG
Laude o Lande
Teen FictionNakakatakot nga bang sumugal sa pag-ibig? Is it all worth it? Paano mo malalaman kung mahal mo na nga? May exam rin ba na kailangan mong ipasa para malaman na siya na nga? Baka naman may quiz rin? Huwag na lang kaya?