Natapos na kami kumain. Dumiretso na kami sa venue ng event. Pagdating namin dun, pinaregister ang names namin then
pumasok na kami. Pag pasok namin mga 20 pa lang ang tao. Umupo kami sa left side. Ang arrangementZac Ako Xander
"Aiisshh. Bakit nandyan ka Zac?" tanong ni Xander
"Gusto ko katabi si Bree" kampanteng sagot ni Zac
"Ano?" Sagot ni Xander
"Gusto ko katabi si Bree. Bakit? Gusto mo ba ako katabi? Bakla ka ba pre?"
"Siraulo ka ba?"
"Ok. Tama na yan." pigil ko. Inaasar pa rin kasi ni Zac si Xander. Si Xander naman pikon.
"Eh kasi naman Bree, si Xander kasi eh." nagpout pa si Zac
"Oi wala akong ginagawa sayo ah. Umayos ka nga."
"Sus. Gusto mo si Bree noh?"
"Hindi ko gusto si Breanna." Ouch naman. Sakit ah. Rejected agad ako
"Kung hindi mo siya gusto,bakit mo tinatanong kung bakit dito ako nakaupo?"
"Ah eh kasi. Ah. Ewan basta wala."
"Bree, feel ko gusto ka ni Xander."
"Ha? Eh imposible yun. Kakakilala pa lang namin eh."
"Anong imposible dun? Ako nga nagustuhan na kita"
"Hoy! Ano sinabi mo gusto mo si Breanna? Hindi pwede!"
"Bakit hindi?" sabat ko. Kainis kasi nagcoconfess si Zac eh.
"Ah eh kasi, Breanna, hindi kasi pwede."
"Hindi pwede kasi? pangit ako? di ako kilos babae? well, sorry Xander kasi hindi ko kailangan ng taong ayaw sakin. Hindi ako magbabago para sa taong ayaw sa pagkatao ko."
"Hala. Sorry Breanna. It is not what I meant. You are attractive. Kahit sino sasaya pag kasama ka. You are almost perfect and you are beautiful."
"Sus pre. Nagreact ka kasi agad kanina. Sasabihin ko dapat nagustuhan ko si Bree as a friend. Nagalit tuloy sayo. Oi Bree, gusto mo palit tayo ng seat?"
"No! Gusto ko dito siya sa tabi ko. Breanna, I am so sorry. I didn't mean to offend you."
"Ok lang Xander. Apology accepted."
"Thank you!" nagulat ako ng niyakap niya ako. Ganun ba kaimportanteng pinatawad ko siya?
"Pre, chancing yan ah."
"Oooppss. SORRY."
"Ok lang."
Tapos nagtour na kami.
Ang daldal namin sa bus. Kwentuhan ng kung anu-ano.
Ang saya kasama ng mga ito. Si Xander panay pa rin ang sorry sa akin. Si Zac naman inaasar si Xander. Ang kulit ng dalawang toh.
After ng tour napagpasyahan namin maglibot ng kaminh tatlo lang. Pumunta muna kami sa Mang Larry's. Sino ang hindi nakakaalam ng Mang Larry's? Ang sarap ng bbq nila at isaw.

BINABASA MO ANG
Laude o Lande
Fiksi RemajaNakakatakot nga bang sumugal sa pag-ibig? Is it all worth it? Paano mo malalaman kung mahal mo na nga? May exam rin ba na kailangan mong ipasa para malaman na siya na nga? Baka naman may quiz rin? Huwag na lang kaya?