Bree's POV
"Hey, Nathan. You want me to make subo you the food?"
"No. I can manage. Bree, ito oh buttered shrimp with garlic. Masarap yan."
Hala allergic ako sa diyan.
Pinigilan naman ni Z ang kamay ni Nathan. He's definitely my savior.
"Nathan, ayaw ni Bree ng shrimp."
"No. Masarap ito. Here, try it."
Wala naman ko magawa kundi kainin yun kasi nakatingin si Ana sa amin.
"Nathan, I want you to make me subo rin the shrimp." pagmamaktol ni Bree.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Z sa akin.
"Yes. I'm fine."
"Tell me when you feel something weird ha." hinawakan niya yung mukha ko na parang chinicheck kung anong meron. Halatang nag-aalala siya.
"Ehem." Inilayo naman agad ako ni Nathan kay Z.
"Easy, Nathan. Next time kasi alamin mo muna kalagayan ng GIRLFRIEND mo ah."
"Tsk. Ano bang alam mo?" naiinis na sabi ni Nathan.
"Marami. Sige na. Doon na muna ako. Bree, if anything happens call me."
"Zac, nothing will happen."
"Z. Ok na. Huwag ka ng sasagot. I'll call you later."
"Good."
Umalis na si Z. Si Ana naman inutusan yung staff na picturan siya. Sayang daw ang scenery.
"Kuya, make ayos your pictures ah. I want to be pretty kasi so that Nathan will like me also. You know, ang daming kaagaw."
Tumingin siya sa akin. Ako naman nagsmile lang lalo atang nainis kaya inirapan ako.
"Come on kuya. Huwag ka na magsight seeing diyan. Take pictures of me na ah. Make sure maganda iyan."
"Ma'am, kaya ko po kayong picturan pero yung pagandahin kayo? Ma'am di po ako magician." Tapos umalis na yung staff.
Halatang nagulat si Ana sa sinabi nung staff. Pinipigilan ko naman tumawa pero yung katabi ko, ewan.
"Pfft. Hahahaha!" Hindi niya mapigilan tumawa.
"Ang sama mo! Napahiya na nga yung tao."

BINABASA MO ANG
Laude o Lande
Genç KurguNakakatakot nga bang sumugal sa pag-ibig? Is it all worth it? Paano mo malalaman kung mahal mo na nga? May exam rin ba na kailangan mong ipasa para malaman na siya na nga? Baka naman may quiz rin? Huwag na lang kaya?