First Semester 23

174 11 7
                                    

ManOfYourDreams143 thank you sa cover
Fast forward sa bahay ni Bree

Nandito na yung tatlong lalaking manliligaw daw.

Si Zac kausap ni Ayessa. Kilala naman na siya eh. Si Nathan at Xander?Ayun, akala mo magpapatayan sa sobrang sama ng tingin.

"Eheemm." Si Daddy yun. Dumating na sila ni Mommy.

"Hello po."

"Good evening po."

"Hi tito! Hi tita."

"Anong meron Bree?"

"Ah.. kasi po.."

"Dad, mukhang alam ko na." sabi ni Mommy.

"Sige. Isa-isa lang. Sabihin niyo sa akin ang name, age, at rason bakit kayo nandito."

"Zac Belmonte po. 17. Binibisita ko po kayo at umaakyat ng ligaw."

"Nathan Dizon. 17. I want to court Breanna po kung pwede."

"Xander Lee. 17. Manliligaw rin po."

"What?! Ate, anong gayuma ginamit mo ang gwapo nila. Huhuhu!" Natawa ako sa reaction ni Ayessa.

"Ewan ko rin. Baka malabo mata."

"Ehem. Ok. Ako ang Father ni Bree. You can call me tito. Except for you Zac."

"Po?"

"Diba we had an agreement na Dad and Mom na rin tawag mo sa amin? Wala kaming tutol kung gusto niyo manligaw nasa anak namin ang desisyon. Labas kami kung ano mang meron kayo wag niyo lang siyang sasaktan. Siguro aware na kayo sa rules diba? Kaya please sundin niyo. Hindi nagmamatter sa pamilya namin anong family background niyo basta mahalin niyo ng buong puso ang anak namin. Understand?"

"Opo." sabay sabay silang tatlo.

"Good. Mauna na kami. Si Bree na ang bahala sa inyo. Ayessa, bantayan mo ate mo."

"Yes Daddy."

Pumunta na sila sa room nila.

"Ang unfair nun. Bakit Dad and Mom tawag ni Zac kina tito?" nagpout pa si Nathan.

"Wala eh. Malakas kapit ko."

"Tsk."

"Ok. Mga manliligaw ng ate ko. Binibigyan ko kayo ng 5 minutes para magbago isip niyo."

"Walanghiya ka. Inggit ka lang eh."

"Che! Ngayon maglaro tayo. Sa ikli ng panahon na kilala niyo si ate, masasabi niyo bang kilala niyo talaga siya?"

"Ayessa, anong kalokohan toh?"

"Shh. Ate, wag ka magulo. Ok magpapagame ako. Quiz ito."

"Ok. "

"Una, Ano ang favorite food ni ate?"

Zac: Blueberry Cheescake
Nathan: Cookies
Xander: Pasta

"Tama lahat. Matakaw ate ko eh. Next, favorite color?"

Lahat sila: Blue

"Next, ano ang ginagawa ni ate kapag bored siya?"

Zac: baking
Nathan: Sleeping
Xander: Eating

"Tama si Kuya Z. Last na. Sino ang gusto ni ate sa ngayon?"

Zac: Xander
Nathan: Ako ^_^
Xander: Zac

"ATE, anong sagot?"

"Psh. Wala."

Nakakaloka tanong nito. Hay

"Ate, kj."

"Eh? Handa na lang ako ng pagkain."

"Tulungan na kita." Sabay sabay pa sila.

"Ako na. Wag na kayong tumayo."

"Hey, hindi naman si Zac ang tutulong eh. Si Z."

"Pssh. Bahala ka."

"Bree, pwede bang wag masira yung friendship natin?"

"Hindi naman ah."

"Ang sinasabi ko lang,wag mo ako iwasan. I am still Z. Yun lang ang hinihingi ko sayo. Ayokong lumayo ka."

"Hindi naman ah. Awkward pa kasi eh. Sorry, di ako sanay. I am sorry."

"Good. Always remember yung promise natin ah."

"Yeah."

"Tara. Lalagyan ko ng lason itong juice nung dalawa."

"Ang sama mo. Hahaha! Fair game ah."

"Yup. I'll play fair. Alam ko namang lamang ako."

"Yabang mo please."

"Boto na kaya sa akin pamilya mo. Ikaw na lang kulang."

"Bola ka."

"Banat ba yan? Bakit?"

"Loko. Hahaha. Tara na?"

"Wait, nasaan ba yung lason niyo?"

"Baliw. Wala noh."

"Sayang naman. Rat killer kaya?"

"Loko ka. Tara na."

Pumunta na kami sa living room.

Inabutan namin na iniienterrogate ni Ayessa yung dalawa.

Kung ano ano tinatanong.

"Hi. Sorry sa kapatid ko ah."

"No. It is ok."

"Nako ate ang daldal rin nila. Hahaha!"

"Bree, pwede magtanong?"

"Bakit Nathan?"

"Paano kayo naging close ni Zac? Bakit Z tawag mo?"

"Ahh. Kasi childhood friends kami na nagkahiwalay."

"Oh I see."

Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan. Before 9:00 PM alis na rin sila. Naiwan pala si Zac. Kinuntsaba ata si Ayessa. Ayaw pa daw paalisin ni Ayessa eh.

Natulog na lang ako. Ang daming nangyari ngayong araw. Yung dalawa naiwan sa baba. Naglalaro. Sana hindi magising sina Daddy sa ingay ng dalawa.

Laude o LandeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon