Hey guys! Zac Belmonte here! I am from Southridge Academy. Passion ko ang pagsayaw at pagkanta. Sa UP rin ako nag-aaral. Wanna know a secret?
Matagal ko ng kilala si Bree. Yun yung reason bakit yun na agad tawag ko sa kanya. Bata pa lang kami, madalas na kami maglaro. Business partners ang parents namin. May ari sila ng hotels at kami naman restaurants. Hanggang ngayon partners pa rin sila nina Dad and Mom.
Naalala ko pa nun na lagi kong inaasar si Bree. Bwiset kasi. Ang ingay tapos ang likot pa. 7 years old siya noon ako naman 8 na.
One day, tumatkbo ako sa gilid ng pool sa bahay nila. Naout of balance ako. Ayun, nahulog ako sa pool, di pa naman ako marunong lumangoy.
Niligtas niya ako. Magaling pala siyang lumangoy. She saved my life. I thought I was going to die. Thanks to her nailigtas ako sa kamatayan.
Simula noon, hindi ko na siya inaaway. Lagi siyang nasa bahay namin. Minsan, ako ang dumadalaw. Pumapayag pa ang parents namin na magsleep over.
Siya lang ang kaibigan ko that time. Wala akong kapatid kaya siguro naging malapit siya sa akin.
"Ui Z, anong gusto mong gawin ngayon?"
"Mall tayo. Pabili tayo ng laruan o kaya Timezone tayo!"
"Sige."
Kasama namin si Ate Ish na pinsan ko.
Kumain kami tapos naglaro sa Timezone.
"Z, picture tayo dali."
"Eh ayoko."
"Dali na!"
"A-yo-ko."
"Iiyak ako."
"Aish. Fine."
Never ko siyang natiis. Pinangako ko na kasi na ituturing ko siyang kapatid ko. Lagi ko siyang proprotektahan at kahit kailan hindi ako ang magiging dahilan ng pag-iyak niya.
2 copies ang ginawa namin. Nakapoker face ako at nakatingin s kanya siya naman nakawacky at nakatingin sa camera.
Pinaframe namin pareho tapos nun umuwi na rin kami. Pumayag sina Tita na doon matulog sa amin si Bree. May separate room siya sa bahay.
"Goodnight Z."
"Goodnight Bree."
That night hindi ako makatulog. Ang weird ni Breanna. Hindi kasi siya yung tipong magaaya kung anong gagawin. She is also not the type of girl na maglalaro sa arcade. Nagpapicture pa kami.
Kinaumagahan, hinanap ko kaagad si Bree pero wala siya. Maaga daw sinundo ng parents niya. Pagpasok ko ng kwarto niya may nakita akong papel sa kama niya. Kinuha ko at binasa ang nakalagy doon.
To Z,
Sorry kung di ako nakapagpaalam sayo. Kailangan daw naming umalis. Hindi ko alam saan kami pupunta. Salamat sa lahat. Z, ok lang kung magkita tayo tapos hindi mo ako pansinin. Kasalanan ko. Salamat sa lahat. Salamat nakilala kita. Ingatan mo yung picture natin ah. Wag mong iwawala. Please take care of tito and tita.
Hinding hindi kita makakalimutan. Z, kinuha ko pala si Mr. Teddy ah. Yayakapin ko pag namimiss kita. Yun lang. Ingat ka palagi.Bree :)
Yun na ang huling kita ko sa kanya. Yung picture namin? nakalagay sa side table ko. Never akong nagalit sa kanya. Nagtampo ako pero nawala rin.
Sinubukan kong kausapin si Mom kung nasaan sina Bree pero kahit daw sila hindi nila alam. I tried to find her pero bata pa ako nun. Hindi ko alam saan magsisimula hanggang sa nakita ko ang listahan ng Blockmates ko. Nakita ko ang name niya. Pinabackground check ko siya agad.
Yes! Siya nga si Bree. Lalo akong naexcite nung nalaman kong may event kaming pupuntahan. Ang laki ng pinagbago niya. Mas maganda siya ngayon. Hindi ko akalain na hindi niya ako nakilala.
Mas close pa sila nung Xander na yun! Tsk. Nakakalungkot isipin na yung nag-iisang kapatid ko, nawala pa. Kilala niya pa kaya si Z?
Gusto ko ng sabihin sa kanya kung sino ako pero taksil na luha ito. Hindi ko pala kaya. Masakit pa rin pala na iniwanan niya ako. Hindi ko alam kailan ko masasabi sa kanya ang totoo.
Sana naman naalala niya pa si Z. Sa ngayon makukuntento ako na kasama siya kahit tinatawag niya ako sa totoo kong pangalan. Sisiguraduhin kong masaya siya at hindi masasaktan ninuman dahil ako ang makakaaway nila pag nangyari yun.
BINABASA MO ANG
Laude o Lande
Teen FictionNakakatakot nga bang sumugal sa pag-ibig? Is it all worth it? Paano mo malalaman kung mahal mo na nga? May exam rin ba na kailangan mong ipasa para malaman na siya na nga? Baka naman may quiz rin? Huwag na lang kaya?