Xander's POV
"Lee, tawag ka ni Breanna." Lumabas na pala si Zac sa kwarto ni Breanna. Hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon sa mukha ni Zac. Mukha siyang masaya kasabay ng pagkainis. Seryoso ang mukha niya pero mababakas mo naman ang galit. Ngayon lang din niya ako tinawag sa apelyido ko.
"Nakakaalala na ba siya?" Tanong ko kay Zac. Paano kung naalala na niya kung paano ko siya nasaktan noon? Inaamin ko na gusto kong magkaroon ng amnesia si Breanna. Umaasa ako na baka sakaling mahalin niya ulit ako. Selfish na kung selfish pero iyon lang ang paraan na naisip ko.
"Oo. Siguro. Ewan. Basta ikaw ang hinahanap niya. Lee, pinapaalala ko sa iyo na akin na si Bree at mahal namin ang isa't isa kaya kung pwede layuan mo na lang siya. Hindi ko siya hahayaang mapunta sa iyo." Napahinto ako sa sinabi ni Zac. Alam ko naman iyon eh. Hindi na niya kailangang sabihin pa. Hindi ko na lang siya pinansin at nagtuloy akong pumasok sa kwarto ni Breanna.
"Breanna?" Nakangiti namang bumungad sa akin ang isang anghel. Napakaganda niya talaga. Sa tuwing makikita ko siya ay nasasaktan ako. Naaalala ko ang mga sakit na idinulot ko sa kanya.
"Hi Xander!" kumaway pa siya at ngumiti sa akin. Maputla pa rin ang kanyang mga labi.
"Tawag mo raw ako?" Lumapit ako sa kama niya. Nagulat naman ako at hinawakan niya ang kamay ko.
"Ikwento mo sa akin ang nangyari noon. Hindi kasi ako naniniwala sa sinabi ni Zac." Pinaupo niya ako sa tabi niya.
"Ano bang sinabi niya sa iyo?"
"Ay, Xander gusto ko ng apple! Ipagbalat mo ako please?" agad naman akong sumunod sa kanya.
"Ano pang gusto mo?"
"Wala naman na. Gusto kong ikwento mo sa akin anong nangyari noon. Wala akong maalala. Sabi ni Zac boyfriend ko daw siya pero hindi yun ang nararamdaman ko eh. Pakiramdam ko kasi ikaw yung boyfriend ko tapos nasaktan mo ako ng sobra." napatigil naman ako sa kwento niya. Tinignan niya lang ako habang kumakain siya ng mansanas. Kailangan ko magsinungaling para mabawi siya. Sorry, Bree pero ito lang ang nakikita kong paraan.
Bree's POV
Halatang nagulat siya sa sinabi ko. Naawa rin naman ako pero hindi rin ako matatahimik kung hindi ko ito maisasagawa. Bahala na sa susunod na mga araw. Basta malinaw sa akin na mahal ko si Z.
"Ah ako nga ang boyfriend mo, Bree." Naghihintay pa ako sa sunod niyang sasabihin pero sa tingin ko ay iyon ang balak niyang sabihin.
"Paano ba kita nakilala?" Sana naman ikwento na niya ng buo ang mga nangyari.
"Nakilala kita sa isang event na pareho nating pinuntahan noon. Nagkabungguan tayo. Blockmates rin pala tayo. May pinuntahan rin tayong isa pang event noon. Kasama na natin si Zac noon. Pagkatapos ay sabay sabay kaming nanligaw." Buti naman at totoo ang sinabi ni Xander sa pagkakataong ito.
"Sabay sabay kayo? Sinong kayo?",
"Ako, Si Zac, at si Nathan. Buti nga ako ang minahal mo eh." Tsk. Kailan kaya matatapos ang pagsisinungaling ni Xander? Tsk. Minahal ko siya noong una.
"Anong nangyari sa atin? Bakit sinasabi ni Z este Zac pala na siya ang boyfriend ko at hindi ikaw? Niloko mo daw ako at siya na ang boyfriend ko?" Halata namang nagulat siya sa sinabi ko.
"Ah eh, nag-away tayo noon dahil kay Nicole. May gusto kasi siya sa akin noon kaya nagselos ka. Maniwala ka, hindi kita niloko."
"Ano bang meron kayo ni Nicole noon? Ano bang ginawa mo para magselos ako?"
"Wala. Magkaklase lang kami tapos sunod siya ng sunod kaya nagselos ka."
"Parang ang babaw naman ata ng dahilan para magselos ako. Sure ka yun lang ginawa mo?"
"Oo naman. May magagawa ba ako eh ganoon mo ako kamahal kaya ka mabilis magselos eh. Payakap nga sa girlfriend ko." Wala naman akong magawa kundi yakapin siya. Kapag tumanggi ako masisira ang plano eh. Napakasinungaling talaga nito. Honestly, the idea of being his girlfriend again makes me sick. Masisisi niyo ba ako? Sige palit tayo ng sitwasyon. Kayo ang harap harapang pagsinungalingan tapos alam niyo naman ang totoo. Makukuha niyo pa bang magtiwala muli sa kanya?
"Xander, ano namang nangyari kay Nathan? Bakit kanina eh parang wala naman siyang feelings para sa akin?"
"Hindi tulad ni Zac, nanahimik na si Nathan ng malaman niyang ako ang pinili mo. Kaya siguro okay siya kanina. Pwede bang humingi ng favor?"
"Sure. Anong favor ba? Make sure kaya ko ah."
"Gusto na ng anak." Nabilaukan naman ako sa sinabi niya.
"Ahem! Ano?!"
"Joke lang. Ito na talaga. Pwede bang layuan mo muna si Zac?"
"At bakit ko naman gagawin yun? Kaibigan ko naman siya diba?"
"Basta. Hindi ako mapakali kung kasama mo siya. Kahit pa magkaibigan lang kayo. Mahal ka niya kasi."
"Yun lang yung dahilan? Sorry, Xander. Hindi kita mapagbibigyan. Wala akong nakikitang mali sa pakikipagkaibigan kay Zac. Isa pa kung mahal man niya ako,hindi ba dapat mas matuwa ka pa?"
"Bakit naman ako matutuwa na kasama mo yung taong mahal ka?"
"Oh please. Isipin mo, sasaktan ba ako ng taong mahal ako? Hindi diba? Kaya hayaan mo lang ako na mapalapit kay Zac. Okay ba? Gusto ko rin maalala yung iba ko pang dapat matandaan."
Sinungaling ka Xander! Lalo mo lang pinapatunayan na tama ang desisyon ko na si Z ang minahal ko.
A/N: Short update lang muna. ^_^

BINABASA MO ANG
Laude o Lande
Teen FictionNakakatakot nga bang sumugal sa pag-ibig? Is it all worth it? Paano mo malalaman kung mahal mo na nga? May exam rin ba na kailangan mong ipasa para malaman na siya na nga? Baka naman may quiz rin? Huwag na lang kaya?