First Semester 38

102 6 4
                                    

Nicole's POV

Sorry Breanna pero mahal ko talaga si Xander. Hindi naman ako papasok rito kung hindi dahil sa kanya eh. I was wrong ng iwan ko siya.

Nakakaguilty nga na nasaktan ko si Bree na wala namang pinakitang masama sa akin pero nagmahal lang ako.

Kausapin ko kaya siya?

Pumunta muna ako sa class namin. Wala si Xander at Bree. Lumapit ako kay Jovin at Iris. Ang cold nila sa akin.

"Hi girls. Anong meron?" Masigla kong bati sa kanila.

"Ui, Iris lipat tayo ng seat. Mas maganda dun oh katabi mo si Papa Zac."

"Sige ate. Baka maagaw rin eh babantayan ko na." Ok. Alam ko na ang dahilan.

"Wait. Sorry Jovin and Iris. Alam ko mali ako pero masisisi niyo ba ako? Nagmahal lang ako."

Huminto si Jovin at hinarap ako. Nakita ko naman nag-alangan si Iris na bumalik rin.

"Jovin, wag mo ng patulan yang si Nicole."

"Wait lang Iris kailangan ko lang sabihin ito."

"Bahala ka."

Lumapit siya sa akin. Nakangiti pero yung ngiti niya iba ang meaning.

"Nicole Fernandez hindi ka na namin kaibigan simula ngayon. Ano bang kasalanan ni Bree sayo? Nagmahal ka? Gasgas na gasgas na yun eh. Isip ka ng bagong line minsan. Si Breanna ang mahal ni Xander. Tingin mo sa ginawa mo nanalo ka? Girl, sa totoo lang mas naawa kami sa iyo kasi si Bree maraming nagmamahal sa kanya. Maraming gustong mapalapit sa kanya kasi totoo siya. Eh ikaw? Saan banda sa iyo ang mabuti man lang? Baka pati kuko mo masama eh. Isa pa, nanalo ka ba? Nakuha mo ba ang gusto mo? Hindi kaya. Lalo mo lang pinalayo si Xander. Hindi ganyan ang pagmamahal. Ilang araw pa lang si Bree at Xander tapos heto ka na sisira? Si Zac nagparaya kasi mahal niya si Bree eh. Hindi pagmamahal yang nararamdaman mo, inggit at pagdadamot yan. Naiinggit ka kay Bree kasi tatlong lalaki ang nag-aagawan sa kanya kasama pa ang ex mo. Madamot ka kasi yung taong iniwan mo noon binabalikan mo ngayon ng malaman mong may iba ng mahal. Bakla ako Nicole pero alam ko pa rin kung ano ang pakiramdam magmahal at masaktan. Oo, madalas nagpapatawa ako pero may hangganan. Hindi ko sinasabing wag kang magmahal ang sinasabi ko lang sana naman nag-iisip ka rin. Si Iris may gusto kay Zac pero nanggulo ba siya? Hindi diba?"

"Jovin, kaibigan mo rin ako. Bakit si Bree ang iniintindi mo? Paano naman ako?"

"Nicole, kaibigan kita noon hindi na ngayon. Sa totoo lang gusto kitang pakuluan sa Muriatic Acid ngayon eh. Alam mo yun? Iris, tara na."

Iniwan na nila ako. Hindi nila ako maintindihan. Akala ko kaibigan ko sila. Pucha. Nasaan ba si Pao? Siya na alang ata nakakaintindi sa akin ngayon eh.

Tinext ko si Pao kung nasaan siya nagreply naman siya agad. Nasa ice cream parlor daw siya. Ano namang ginagawa niya dun? Wala ba siyang klase?

So after my class I immediately go to that stupid parlor kung hindi lang ako badtrip ngayon eh.

When I reached my destination, I saw Pao and Bree. Magkakilala sila? Wait, siya ba yung kinukwento sa akin ni Pao na bago niyang girlfriend? Pero imposible yun kasi last 2 weeks niya pa kinuwento yun eh.

Nagsleepover kasi kami noon kasama ang high school friends namin tapos nagkaroon ng truth or dare. Nang tumapat kay Pao yung Bote tinanong siya kung may feelings pa ba siya sa akin.

"Pao, mahal mo pa ba si Nix?"

"Hahahahaha! Si Nix? Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi na kasi hindi naman ganoon kabilis magmove on."

"Guys, una na ako sa kwarto."

"KJ mo naman Nix eh."

"Nix! Wait! Bakit ka umalis?"

"Paolo, alam mo namang tapos na tayo diba?"

"Oo. Nagsabi lang ako ng totoo and isa pa ayoko ng makipagbalikan sayo noh."

"Aba't buti naman. Ayoko na rin noh. Malaking kasalanan na pinagpalit ko si Andie para sa iyo."

"Aray! Kailangan paulit-ulit? Wag ka mag-alala kasi sa tingin ko nahanap ko na ang babaeng para sa akin."

"Wait, you mean?"

"Yes. I have a girlfriend. She's way far better than you."

"As if. Haha! Anyway goodluck sa inyo."

"Thanks."

Hindi kaya si Bree yun? Pero imposible kasi ang sinasabi nila sa akin, si Andie ang first boyfriend ni Bree. Pero bakit magkasama ngayon ang dalawang ito?

I took a picture of them. Mukhang masaya silang dalawang magkasama.

Ang talino mo talaga Nicole. Hahahaha!

Xander's POV

What the fuck ang tanga mo Xander! Nawala na naman ang babaeng mahal mo.

I've lost the girl I love and now I have to take her back.

"Ang tanga mo Xander! Wala namang ginawa sa iyo yung tao sinaktan mo."

"Pwede ba Chris tigilan mo muna ako?"

"Xander, tama kasi si Chris."

"Isa ka pa Luis. Si Nicole talaga may kasalanan nito eh."

"Ano bang nangyari?"

"Ayan kasi aga aga nagdedate kayo ni Sarah tuloy huli sa balita. Hinalikan lang naman ni Nicole si Xander."

"Hinalikan lang pala eh. Wait, hinalikan?! Kailan? Paano? Alam na ba ni Bree yan?"

"Siraulo ka ba? Kaya nga nagbreak sila diba?"

"Malay ko ba kung nagsawa na si Xander."

"Gago ka ba? Niligawan ko tapos papakawalan ko lang?"

"Xander, may tanong ako."

"Ano yun Chris?"

"Anong naramdaman mo nung hinalikan ka ni Nicole?"

"Wahahaha! Ano bang klaseng tanong yan? Syempre nasarapan si Xander. Ahahaha!"

"Manahimik ka ng Luis! Xander, ano nga?"

Ano nga ba?

"Hindi ko alam."

"Mahirap yan. Akala ko ba mahal mo si Bree?"

"Oo. Mahal ko siya."

"Tulak ng bibig, kabig ng dibdib."

"Hindi ko maintindihan."

"Xander, kung mahal mo talaga si Breanna alam mo na dapat ang sagot sa tanong ko. Oo, lalaki tayo at natutukso pero kung seryoso at sigurado ka kay Bree wala ka ng mararamdaman kahit halikan ka pa ng paulit-ulit ni Nicole."

"Wow Xander! Lagi kang hahalikan ni Nicole? Swerte mo nun pero mas maswerte ako kay Sarah ko."

"Makaalis na nga. Kainis itong si Luis eh. Xander pag-isipan mo muna lahat ng gagawin mo. Nasa iyo ang desisyon. Ang sa akin lang wag mong sasaktan ang tanong nagmamahal ng totoo, iba ang galit na mararanasan mo kapag gumanti yan."

"Teka Chris! Hintayin mo na ako puntahan natin si Sarah myloves. Bye Xander!"

"Tsk."

Ano nga ba?

Mahal ko naman si Bree ah.

Hindi ko na alam gagawin ko.

Laude o LandeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon