Zac's POV
"Z! Ibili mo na ako ng cheesecake please."
"Busy ako."
"Pretty please?"
"Mamaya na lang."
"Eh? Dali na kasi. Alam ko na. Punta tayong park!
"Ano ka? Bata? Busy nga ako."
"Kainis ka naman eh. Dali na kasi. Pumunta ka pa dito sa bahay kung wala ka ring gagawin."
"Bree, kaya ako pumunta dito para icheck kung ok ka na. Hindi ka kaya pumasok kanina. Buti wala masyadong ginawa."
"Kanina pa ako nakatunganga dito sa bahay. Labas na tayo please. Kahit sa park lang. Z, please?"
Nagpaawa pa talaga. Hindi ko lang ito matiis eh.
"Fine."
"Ibili mo muna ako cheesecake."
"Psshh. Ano makukuha kong kapalit?"
"Sasaya ako. Diba sasaya ka kapag masaya ako? Edi yun."
"Tsk."
Tumayo ako at naglakad papalapit sa pinto.
"Saan ka pupunta?"
"Blueberry or Oreo Cheesecake?"
"Blueberry! Yey!"
Umalis na ako para bumili. Ang layo pa naman ng Dorissimo dito. Alam ko hindi lang iyon ang pwedeng bilhan ng cheesecake pero iyon ang gustong bakeshop ni Bree.
Bree's POV
Today is the day! Kaya hindi ako pumasok kanina kasi plinano namin ni Ayessa ang gagawin namin mamaya.
Sana matuwa si Z. Nasabi ko na sa parents namin ang plano and nag-agree sila at mukhang maganda daw.
"Ayessa, sabihin mo nauna ako sa park ah. make sure susunod siya doon."
"Yes, ate!"
"Tigilan mo na rin ang kakatext. Kanina ka pa diyan eh."
"Eh nagtetext si bebe Jacob eh."

BINABASA MO ANG
Laude o Lande
Novela JuvenilNakakatakot nga bang sumugal sa pag-ibig? Is it all worth it? Paano mo malalaman kung mahal mo na nga? May exam rin ba na kailangan mong ipasa para malaman na siya na nga? Baka naman may quiz rin? Huwag na lang kaya?