First Semester 19

164 13 2
                                    

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko naman akalain na sasabihin ni Nix yun.

"Oh please. Give me a break Nix. Iniwan mo ako noon. I tried to stop you but you insist. Tapos ano? diba iniwan mo ako para sa Paolo Roxas na yun? Now, you tell me sa tingin mo maniniwala ako sa sinasabi mo?"

"Yes. Maniwala ka. Nakipaghiwalay na ako kay Paolo. I was wrong. I know malaki ang galit mo sa akin pero please totoo ang sinasabi ko. Please, Xander, give me another chance to prove myself. To prove my love for you."

"Cut it out. Stop being such an idiot. Bakit mo sinasabi ito ngayon? Kasi break na kayo ni Paolo? Ganun ba Nix? Well sorry kasi hindi na kita mahal."

"No! Hindi totoo yan. Alam ko mahal mo pa ako. Nararamdaman ko. Nakikita ko."

"Wag mo akong patawanin pwede? Nararamdaman mo? Hahaha! Manhid ka kaya. Naramdaman mo ba noon na mahal na mahal kita? Nakikita mo? Another joke? Bulag ka kaya. Hindi mo nakita noon lahat ng effort ko just to save our relationship. Ngayon sabihin mo sa akin, may pakiramdam ka ba? May mata ka ba? May awa ka ba? May puso ka ba?"

"Xander..." Nakita kong umiiyak na siya.

"Ikaw nagpabago sa akin Nix. Ikaw nagturo sa akin paano makisama sa ibang tao. Paano ako maniniwala sa taong iniwan ako noon?"

"Please. Give me another chance."

"Ang sakit ng ginawa mo sa akin Nix. Hanggang ngayon masakit pa rin. Iniwan mo ako sa panahon na sayo lang umiikot ang mundo ko. Iniwan mo ako para sa iba. Ano bang kulang sa akin noon? Anong mali sa akin?"

"No. Walang kulang sayo. Walang mali. You are damn perfect. Sadyang tanga lang ako at pinakawalan ka. Mahal pa kita Xander."

"You know what? I don't love you anymore. Tapos na yung panahon na mahal kita."

"You're lying. Wala ka pang nagugustuhan maliban sa akin!"

"Wrong. May gusto akong iba."

"Sino? That ugly girl na kasama mo?"

"Yes. Mind you, she is the perfect girl I've known."

"No. Hindi totoo yan. Ako! Ako pa rin ang mahal mo."

"Tama na Nix. Bakit ka pa ba bumalik?"

"Para sayo. Sa atin."

"Wala ng atin. Tapos na yun. Wala ka ng mapapala sa akin."

"Hindi ako susuko Andie. Hinding hindi. I'll make you fall in love with me again."

She kissed me like forever. Damn it. Pag nagpatuloy pa ito baka mahulog ulit ako. I missed her kiss. Tinulak ko na siya nang marealize kong nagrerespond na ako sa halik niya.

"What the heck are you doing?!"

"Naramdaman ko Andie. Mahal mo pa ako."

"No. Nadala lang ako. Hindi na kita mahal."

"Babawiin kita."

Lumakad na ako palayo.

"XANDER LEE! MAHAL KITA AT GAGAWIN KO ANG LAHAT MABAWI KA LANG!"

"Nix, one more thing. That girl is Breanna dela Cruz and I am going to court her."

I left her. Hindi tama na balikan ko pa siya.

At this point naguguluhan ako. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa ko o hindi. Nung hinalikan niya ako naramdaman ko na mahal ko pa siya. Oo, sinaktan niya ako noon pero may parte pa rin sa akin na mahal siya. Siya ang unang babaeng minahal ko eh.

Naguguluhan ako. Hindi ko na alam.

Naglakad lakad lang ako sa UP.

Naalala ko yung panahon na masaya kami ni Nix.

Flashback.

"Andie! Halika dito. Bilis."

"Bakit?"

"Sabihin mo sa buong mundo gaano mo kamahal si Nix."

"Mahal na mahal."

"Sige nga. Patunayan mo. Ikiss mo siya ngayon din."

Hinalikan ko siya. Tapos niyakap. Pinatay niya na rin yung camera after nun.

"Babe, I love you!"

"I love you more."

She wrapped her arms around my neck. I hug her tight. She is the love of my life. I can't imagine life without her.

"Andie, let's go."

"Babe, can't we just stay here and cuddle?"

"Babe, wag na makulit. We need to attend your kuya's graduation party remember?"

"Ok lang yun. Dito na lang tayo."

"Bahala ka. Iiwanan kita. Maghahanap ako ng cute guys dun."

"No. Hindi mo gagawin yan. Tara na sa party."

"Susunod rin pala.

Ang dami naming masasayang memories ni Nix.

"WAAHHH! ANDIE, PATAYIN MO YUNG IPIS. HUHUHUHU! AAYYY!"

"Wahahahahahahahaha!"

"ISA ANDIE! WAAHHHH! ANO BA? HUHUHU!"

"Ok lang yan. Hayaan mo siya. Nananahimik yung ipis eh."

"Ikaw papatahimikin ko habang buhay pag di mo pa pinatay yung ipis."

"Eto na nga."

Hinabol ko si Nix habang dala ko yung ipis. Natakot naman siya. Hahaha! Ang cute.

Mahal ko itong babae na ito.

"Sorry Andie pero hindi na kita mahal."

"Joke ba yun? Hindi nakakatawa."

"Seryoso. Sorry Xander. It is not going to work. I'm sorry."

With that she left. Iniwan niya akong mag-isa. Wondering why? Bakit ganun? Ginawa ko naman lahat ah.

Ang sakit sakit.

End of flashback.

I just found myself walking towards our house. Siguro mas mabuting manahimik ako at mag-isip.

A/N: Anong reaction niyo? Sabihin niyo sa akin dali. Magdededicate ako ng pinakamagandang comment ^_^

Laude o LandeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon