First Semester 41

115 6 14
                                    

Bree's POV

"Hahahaha! Nathan kasi hindi ganyan eh."

"Wait lang kasi. Wag ka nga magmadali. Maipapasok ko rin ito."

"Masyado kasing maliit! Ano ba, ipasok mo na."

"Hindi nga pumapasok eh. Ano ba yan."

"Aray! Masakit!"

"Sorry naman. Ito na ipapasok ko na. Sure na ito."

"Aray! Nathan, dalawang beses mo na akong nasasaktan ah."

"I give up. Itigil na natin ito."

He put his jeans on again and started to leave.

"Ano? Sinimulan mo hindi tatapusin?"

"Eh hindi ko nga maipasok eh. Tapos nasasaktan ka pa."

"Magfocus ka kasi."

"Yun na nga ginagawa ko."

"Try mo ulit."

"Ayoko na!"

"Hubarin mo na ulit jeans mo. Patingin na kasi niyan."

Kairita itong si Nathan. Daming arte sa katawan. Paano ba naman kasi napunit yung pants niya sa bandang tuhod. Tatahiin ko dapat kaso sabi niya siya na daw eh simpleng pagshoot ng sinulid sa karayom di niya magawa eh.

Pinapatanggal ko yung pants niya para tahiin ayaw naman. Don't get me wrong ah. Wala namang malisya kasi nakashorts naman siya sa loob.

Nasa bahay niya pala kami ngayon. Sabi niya kasi nagtext si Ana na pupunta daw sa bahay nila. Eh di ba may kasunduan kami? So pinagbigyan ko na. Pagpasok naman namin sumabit yung pants niya. Ayun napunit tuloy.

"Nathan, anong oras na?"

"8:30 PM na. Why?"

Hala! Gabi na pala. Patay.

Zac's POV

"Kuya Z, di ka pa ba kakain?"

"Wala pa ba si Bree?"

"Wala pa eh. Di ko nga alam nasaan eh."

"Hintayin ko na lang siya."

"Ok."

Gabi na pala. Kanina pa rin ako naghihintay dito sa garden nila.

1 Message

Bree dela Cruz

Z. Sorry ah gagabihin ako. Nasa bahay ka pa ba?

Reply

Yes. Ok lang. Pauwi ka na ba?

Bree dela Cruz

Yup. Ihahatid ako ni Nathan. :)

Reply

Ingat.

Si Nathan naman ngayon? Kailan ko ba makukuha si Bree?

Ilang sandali pa ay dumating na rin si Bree. Hindi na bumaba si Nathan at sumabay na si Jacob sa kanya.

Ito na ang tamang panahon.

Huminga ako ng malalim.

Ang ganda niya. Ang nag-iisang babaeng minahal, minamahal at mamahalin ko sa buong buhay ko.

"Z?"

"Upo ka."

"Ang ganda. Ikaw lahat gumawa nito?"

Laude o LandeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon