First Semester 40

80 5 4
                                    

Xander's POV


Kanina pa ako iniiwasan ni Bree. Hindi niya rin pinapansin mga text at tawag ko.


Ganun na lang ba kadali sa kanya? Bullshit!


Sinuntok ko yung pader.


"Xander!"


Tsk. Si Nicole na naman. Dahil sa kanya nawala si Breanna sa akin.


"Ikaw na naman? Tigilan mo na ako Nicole."


"Please Xander. Hayaan mo akong mahalin ka ulit. Gamutin na natin yang sugat mo."


"Hayaan mo na ako."


Hinawakan niya ang kamao kong nagdurugo.


"Wala akong narinig. Halika na."


Hinila na niya ako. Sa totoo lang, kumikirot na rin ito eh.


Ginamot niya yung sugat ko. Sa kabilang banda, wala namang masamang binabalak si Nicole. Siguro nagbago na siya? Pero mahal ko pa rin si Breanna. Sana makinig naman siya sa akin.


"Nicole?"


"Sandali lang matatapos na ito." Hindi siya tumitingin sa akin.


"Nicole, sorry sa mga nasabi ko sa iyo. Totoo lang naman kasi eh. Ayoko lang paasahin ka."


"Sandali na lang at tapos na. Ayan ok na."


"Salamat."


"Wala yun. Sorry sa mga kasalanan ko ah. Kung hindi dahil sa akin eh di sana kayo pa ni Bree pero alam mo dapat magpasalamat ka rin sa akin eh."


"Bakit naman ako magpapasalamat sa taong sumira sa akin?"


"Hindi ko alam kung dapat kong ipakita sa iyo ito eh."


She hand me her phone.


"I saw them yesterday. Dapat kasi pupunta ako sa ice cream parlor than I saw them. Naalala mo pa naman si Paolo diba? I remember pa nga na may sinabi siya sa akin na may bago na daw siyang girfriend. Hindi kaya si Bree yun? Ang saya nila oh."


"Kaya hinatid niya si Bree kahapon."


"Totoo ba? Oh my gosh! So siya unang nagtaksil."


"Tsk."


"Si Nathan yun diba? Ang daming dalang pagkain."


Laude o LandeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon