First Semester 34

132 5 5
                                    

Nicole's POV

"Nicole may itatanong ako sayo."

"Ano yun Jovin?"

"Umamin ka nga, may gusto ka ba kay Xander?"

"Ha? Paano mo naman nasabi?"

"Girl halata kaya. Hindi mo naman kailangan pang itago. Mas maganda kung sasabihin mo."

"Jovin. Pwede naman kitang pagkatiwalaan diba?"

"Oo naman."

"Kasi si Xander ay ex ko. Mahal pa namin ang isa't isa kaso hindi na pwede."

"What?! Mahal niyo ang isa't isa?! Pero si Bree ang girlfriend niya hindi ikaw."

"Alam ko. Wala naman ng magagawa si Xander eh. Naligawan na niya. Ang sabi naman niya iiwanan niya si Bree sa tamang oras eh."

"Naloloka ka na ba? Kaibigan natin si Bree. Sasaktan niyo siya? Kailangan masabi ko na ito."

"Jovin please. Kaibigan mo rin ako. Nauna naman talagang mapasaakin si Xader eh. Dumating lang si Bree sa eksena."

"Are you insane? Nicole, mali ito. Kahit bakla ako alam ko ang tama at mali."

"I know. Nagmamahal lang ako."

"Fine. Hindi ko sasabihin kung ititigil mo na ito."

"Thank you. Pero hindi ganoon kadali kalimutan si Xander. Mahal namin ang isa't isa."

"Mahal mo si Xander? Mahal ka niya? Niloloko niyo ba si Bree?!" nakakatakot ang itsura ni Zac. Para bang anytime papatay ng tao.

"Uh oh. Alis na muna ako Nicole. Bye Papa Z."

"Jovin wait! Wag mo akong iwanan dito!"

"Ano Nicole? Totoo ba lahat ng narinig ko?!"

"Oo."

"Gago ba kayo?"

"Zac, para rin sayo ito. Kung iiwanan man ni Xander si Bree mapupunta na siya sayo. Diba mahal mo siya?"

"Fuck you! Ako mahal ko si Bree. Hindi ko siya gagaguhin. Siraulo ba kayo? Yung babaeng minsan lang magmahal lolokohin niyo? Mamatay na kayo!"

"Zac, Saan ka pupunta?"

"Kay Bree. Sasabihin ko na ang totoo."

"Zac. Ako na lang. Ako na ang magsasabi. Please."

"Fine. I am giving you this week."

"Thank you."

"Nicole, wag ka ng lalapit kay Bree after nun."

"Fine."

Umalis na si Zac. Sa totoo lang, nagiguilty ako. Alam ko namang si Bree na ang mahal ni Xander eh.

Kailangan ko lang gawin yun para mabawi si Andie. I cannot live without him.

Umuwi na ako sa bahay. Sakto namang nasa gate na si Xander.

"Xander!"

"Nix."

"Kanina ka pa?"

"Medyo."

"Tara na."

Gumagawa na kami ng paper ko. Ramdam ko na medyo umiiwas si Xander sa akin.

"Andie, may sasabihin ako."

"Ano?"

"Ihinto mo muna yan. Importante kasi."

"Ok. Ano na?"

"Kasi, alam na ni Jovin at Zac yung past natin."

"What the fuck Nix?! Paano?"

"Kasi pinaamin ako ni Jovin eh. Narinig ni Zac."

"Shit! Alam mo ba gaano kalaking gulo ang ginawa mo?"

"I am sorry."

"Walang magagawa yang sorry mo. Ang selfish mo naman!"

"Fine. Selfish na kung selfish. Pero wala naman akong ginawa. Sinabi ko lang ang totoo. May mali ba sa sinabi ko? Totoo namang naging boyfriend kita ah!"

"That was before Nicole. Ano na lang ang sasabihin ni Bree pag nalaman niya ito?"

"Ano bang masama?"

"Kasi hindi dapat malaman ni Bree. Paano kung maunahan akong sabihin ni Zac kay Bree? Si Bree na ang mahal ko."

"Babawiin nga kit diba?"

"Alam mong imposible yan."

"No. Hindi yun imposible. Maghintay ka lang."

"You bet. Wag mong kawawain ang sarili mo Nicole. Marami pang lalaki jan."

"Ikaw ang mahal ko!"

"Pero hindi ikaw ang nilalaman ng puso ko! I need to go."

"Xander! Wait."

"Tama na Nix. Tigilan mo na ako habang naalala ko pang babae ka."

Iniwanan na lang ako ni Xander ng ganun na lang.

Hindi ako susuko. Babawiin ko si Xander.

Kung dati mabait pa ako kay Breanna ngayon I'll make her life with Xander miserable as Hell.

Hindi sila dapat magsaya habang ako nagdurusa.

Laude o LandeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon