First Semester 42 (A Mother's Day Special)

118 6 9
                                    

Bree's POV


Nasaan na ba kasi si Z eh. Kanina pa kami dito ni Ayessa. Nasa mall kasi kami, balak naming magpareserve ng restaurant para sa dinner mamaya.


Update: Tuloy lang ang panliligaw ni Z at ang pagpapanggap namin ni Nathan. Hindi ko pa rin kinakausap si Xander at Nicole.


Ayan, sinabi ko na sa inyo pero hindi iyon ang importante sa ngayon. Mother's Day ngayon eh. Hirap na hirap nga akong taguan si Mommy kanina eh.


Ganito ang plano: magpapareserve kami ng restaurant para sa aming surprise na dela Cruz-Belmonte family dinner.


Kaso ang tagal ni Z. Ang usapan namin 2:00 PM magkikita pero hanggang ngayon wala pa siya.


Ito namang si Ayessa kanina pa may kausap o kaya katext sa phone niya. Kapag tinatanong ko kung sino, sasabihin niyang wala daw akong pake. Tignan mo nga naman. Palibhasa may lovelife eh.


"Ate, alis lang ako saglit ah."


"Saan ka naman pupunta? Iiwanan mo ako dito? Wala pa nga si Z oh."


"Basta. Sandali lang ako. Promise."


Umalis na nga ang kapatid ko. Iniwanan niya talaga ako.


Zac's POV


"Sir, thank you for reserving a dinner for tonight."


"8:30 PM sharp ang pagserve ng food ah. 12:00 MN ang fireworks display."


"Yes sir. We would be preparing the rooftop in a minute."


Umalis na ako sa restaurant. Sigurado ako galit na si Bree sa akin. 2:00 PM kasi usapan namin eh pero 1:00 PM nandito na ako. Inayos ko na lahat para naman masolo ko si Bree bago ang surprise namin diba?


Kailan ko kaya mababati ng Happy Mother's Day si Bree tapos may ibibigay akong bouquet of flowers sa kanya? Ilan kaya magiging anak namin?


Hoy Zac Belmonte, hindi ka pa nga sinasagot eh. Ayusin mo muna panliligaw mo.


Dumaan muna ako sa flower shop para bumili ng flowers for Bree. Tinawagan ko na rin si Ayessa at siya mismo nagsabi na iiwan niya si Bree para magkaroon kami ng alone time.


Bumili ako ng 16 blue roses para sa kanya. Hindi ko alam bakit pero parang iyon ang gusto kong ibigay.


Nakita ko na siyang inip na inip na nakatayo sa tapat ng isang jewelry shop. Bigla naman akong napatingin sa suot kong singsing at bracelet. Naisip ko na para kaming magboyfriend nito.


Nakasuot siya ng maong na shorts, polo shirt na color blue at vans na black. Nakalugay ang kanyang mahabang buhok na lalo pang nakadagdag sa ganda niya. Wala siyang make-up sa mukha kaya kitang kita ang natural niyang ganda. Nakita ko rin na suot niya ang singsing at bracelet namin.

Laude o LandeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon