Ayessa's POV
Hi guys! Ayessa here!
Pauwi na ako galing park. Nagjogging kasi ako. Ayoko masira figure ko.
Actually boto ako kay Kuya Z. Kunwari pa si Ate Bree eh. Halata namang gusto niya si Kuya.
Wag kayo maingay ah. Kilala ko yung Nathan Dizon.
Paano?
Crush ko kasi yung kapatid nun eh. Si Jacob Dizon.
Matagal ko ng crush yun. Ang galing magbasketball. Ang gwapo pa.
Teka, bakit ang ingay sa loob ng bahay?
"Waahh!Bree ayaw akong tigilan ni Jovin!"
"Maingay ka masyado Papa Zac. Itali kaya kita?"
"HAHAHAHAHA!"
Makapasok na nga
"Hi Ate! Hi Kuya Z!"
"Hello. Ah sis eto pala si Nicole at Jovin tapos yung katabi ni Nathan naman.."
"Kyyaahhh! B-bakit nandito ka?!"
"Magkakilala kayo?"
"Ate schoolmate ko siya."
"Hi Ayessa."
"Wait. Nakakahiya nakita mo akong ganito lang ang damit."
"Ok lang naman. Maganda ka pa rin."
"Ah eh. Sige bihis muna ako."
Bakit ba kasi sinama ni Kuya Nathan yun eh. Nakakahiya nakita niya akong ganoon lang ang suot. Sana man lang nakapag-ayos ako.
After ko magfreshen up bumaba na rin ako. Nandoon pa rin sila.
"Oh nandyan ka na pala Ayessa eh. Pumunta ka daw ng garden.""Ha? Bakit Ate?"
"Basta."
Pumunta naman ako. Nakita kong nakatayo si Jacob malapit sa pool. Hindi niya ako napansin kasi nakatalikod siya.
"Jacob?"
"Oh nandiyan ka na pala."
"Bakit ka nandito ayaw mo sa loob?"
"Ah. May sasabihin kasi ako sayo."
"Ano yun?"
"Ah. Ayessa ano, ah, kasi ahm paano ba?"
"Ha? Paanong ano?"
"Ay. Ganito may boyfriend ka na ba?"
"Ha?! Wala pa."
"Manliligaw?"
"Wala rin."
"WEH? Meron daw eh."
"Sino maysabi? Wala akong manliligaw. Sino naman magkakagusto sa akin?"
"Meron nga daw. Sinabi pa nga sa akin yung name eh."
Meron ba talaga?
"Sino naman?"
"Sino ba yun? Wait.. Ah! Jacob Dizon daw. Matagal ka ng gusto nun eh."
"What? Seryoso ka ba Jacob?"
"Yes. So ano pwede ba?"
"Weh? Joke time ba ito?"
"Seryoso nga. Dalian mo baka magbago isip ko."
"Aba! Edi wag. Kainis."
"Joke lang. So ano nga? Will you be my girl?"
"Agad agad? Manligaw ka muna ui."
"Tss. Fine."
"Pero bago yun, magpaalam ka sa parents ko."
"Ok."
"Pasok na tayo sa loob?"
Pumasok na kami.
"Ayan na pala sila eh. Kamusta anong bago?"
"Negative kuya."
"Hina mo kasi bro. Tignan mo ako. Malapit ko na mapasagot si Bree."
"Asa ka pa. Sa akin yan." Si Kuya Z talaga.
Tumabi ako kay ate.
"Oh? Nagsabi sa akin si Jacob na liligawan ka niya. Pumayag ka?"
"Sabi ko magpaalam muna kina Mommy at Daddy.!"
"Very good."
Bree's POV
"Waahhh! Layuan mo na ako! Bree!" Si Z yun. Naghahabulan sila ni Jovin.
"PAPA Z! COME HERE NA KASI. KISS LANG NAMAN EH!"
"AYOKO NGA! PLEASE TANTANAN MO NA AKO."
"NO! IKIKISS MUNA KITA. DALI HALINA KA NA. Nakaready na ang aking kissable lips."
"Breanna! Please naman. Huhuhuhu!"
Nahabol na ni Jovin si Zac sa garden. Tapos ayaw ngangmagpahalik ni Zac ayun naitulak niya si Jovin sa pool.
"Ay! Ano ba yan? Papa Z. Dali swimming tayo. Ako si Dyesebel."
"Nakakadiri ka talaga Jovin. Bahala ka jan."
Pagpasok ni Zac sa bahay pumunta kami ni Nicole sa pool.
"Ui girl ok ka lang?"
"Hindi. Huhuhu! Ayaw sa akin ni Zac."
"Kasi naman teh. Ang gusto niya si Bree."
"Huhuhu. Tulungan niyo na lang ako makaahon dito."
Nang tutulungan namin siya bigla niya kaming hinila.
"Aahhh!"
"Ayan. Lahat na tayo basa."
"Bree! Ano nangyari?" Biglang tumakbo palabas sina Nathan at Zac.
"Si Jovin kasi hinila kami."
"Ahahaha! Ayos lang yun."
"Akin na kamay mo." Sabi ni Zac.
Teka. May naisip ako.
Hinila ko rin si Zac sa pool nagkataon naman na kinuha ni Nathan yung kamay ni Nicole. Ginawa rin nya yung ginawa ko.
"Hala. Wala akong pamalit. Ano ba yan Nicole!"
"Hehe Sorry."
"Ok lang yan Nathan. Zac, pahiramin mo na lang ng damit si Nathan. Nasa kwarto mo yun."
"What? May room si Zac dito?!"
"Yes. Sinabi ko naman na sayo eh."
"Psh."
Umahon na rin kami. Inabutan namin sina Jacob at Ayessa na nagluluto.
"Oh kain na kayo. Nagbake ako. Si Jacob naman nagluto."
"Wow. Ang bait naman ni Ayessa."

BINABASA MO ANG
Laude o Lande
Teen FictionNakakatakot nga bang sumugal sa pag-ibig? Is it all worth it? Paano mo malalaman kung mahal mo na nga? May exam rin ba na kailangan mong ipasa para malaman na siya na nga? Baka naman may quiz rin? Huwag na lang kaya?