Nagsinungaling ako

2 1 0
                                    


Nagsinungaling ako nung lalabas sa aking bibig na hindi mo na bighani ang aking mata

Hindi katotohanan noong aking sinabi na hindi ka kamangha-mangha

Kasinulangian ang aking binibigkas nung salitain kong ikaw ay hindi mala tala

Napakakinang,  napakaliwanag ngunit hindi maabot ng aking palad

Bituing nasa langit,  kahit itaas ang aking kamay, hanggang tanaw lang ang magagawa

Ngunit, kahit gaano ka man katayog,  abutin man ng minuto, oras, taon maging dekada man ang lumipas

Hindi ako mapapagod tumitig sa iyo mula sa malayo, basta ang alam ko lamang ako ay may paghanga sa iyo

Matanaw ka lang ng aking mga mata, puso ko ay hindi na tumigil sa pagbilis ng tibok

Binibini,  ako ngayo'y naglalakas loob upang sabihin ang nilalaman nitong damdamin

Mahal kita, nagbigay na ng maraming pahiwatig ngunit tila ba iyo'y hindi mo pansin

Mahal kita,  binibini,  matagal na,  ilang beses ko ng pinatunayan ngunit tila hindi mo maintindihan

Pilit kong sinasabi sa iyo na ikaw ang aking sinisinta sa pamamagitan ng kilos, ngunit mukhang hindi umubra

Kaya ngayo'y bibig at boses ko na ang nagsasabi, binibini,  minamahal kita

Abutin man ng minuto, oras,  taon o mapa dekada man ang aking paghihintay para ako ay mapa sa iyo

Mamuti man ang buhok at kumulubot ang balat kakahintay sa iyo,  hindi iyon balakid

Hindi na iyan kasinungalingan,  dahil ito ay tapat at totoo,  mahal kita iyan ay tapat at puro

Mga Tulang Walang PaksaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon