Tila ako'y isang tanga na pinagtitinginan ng bawat taong nadaan
Di ko alam kung bakit ang tatalas ng mga titig na binibigay nila sa akin
Pilit ko lang naman pinagdidikit ang piraso ng mga bubog na nasa aking harapan
Habang ang mga mata'y luhaan at ang mga kamay ay duguan
Isang lalaki ang lumapit sa akin at ako't tinanong
"Adik ka ba? Ano ang iyong nasinghot, bakit pilit pinagdidikit ang bagay na di na muling mabubuo?
Ngiti ang lumabas sa aking mga labi bago tuluyang bigyang kasagutan ang kanyang katanungan
Sinubukan ko lang namang gumawa muli ng bagay na imposible
Tulad ng pag-pilit kong pinaniniwala ang aking saril na siya'y may pagtingin sa akin kahit na kita na ng aking dalwang mata na iba ang minamahal niya
Ang piraso ng mga bubog na ito ay nirerepresinta ang piraso ng aking puso
Pinupulot ko lamang ang piraso ng puso ko na basag at sinusubukan ko ito'y muling ibalik sa dati, pinipilit ko itong muling mabuong muli
Ipipilit ko ang 'OO' kahit na 'Hindi'
Pinipilit ko ang bagay na 'Tama' kahit ito'y 'Mali'
Pinipilit ko ang mga bagay na Tama ito kahit alam kong isang malaking Kamalian ang mga ito
Pinipilit ko ang lahat ng mga bagay kaya ako nasasaktan
Pinipilit ko ang sarili ko sa taong alam kong hindi ako kayang pahalagahan
Pinipilit kong mahalin ako ng taong mahal ko kahit alam kong ako ay masasaktan
Pinipilit ko ang lahat ng mga bagay kaya ako nagiging luhaan
Pilit kong ginagawa ang mga bagay na imposibleng maging posible kaya ako iniiwan"
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Walang Paksa
DiversosWala ng rason pa para maghabi ng mga salita upang ika'y alayan ng tula. Sapat na ang iyong paglisan, upang tapusin na. Ngunit para sa huling pagkakataon, nais lamang lumikha ng mga tula, mga tulang nawalan ng paksa, sapagkat ikaw lumayo na.