Mga salitang binitawan na sa puso ko'y magdulot ng saya, isa lamang palang kahibangan.
Dati'y dulot ay saya, ngayo'y pinangangalibutan ko na.
Iyong sa mga salitang binitiwan sa akin sinta ay aking nagawang paniwalaan.
Pinaniwalaan ko sapagkat ika'y aking pinagkatiwalaan.
'Di lubos maisip kung anong aking nagawa upang ako'y iwan mo lang nang basta-basta.
Umalis ka na lang nang walang pasabi, walang iniwang dahilan kung bakit.
Hinintay hanggang sa ika'y muling madama, ngunit bungad sa aki'y isang paalam pala.
Hindi pa rin maisip na sa bawat "Mahal kita" ay may katumbas pa lang "Patawad, iiwan na kita"
Hindi ko naman alam na ang iyong mga mabubulaklak na salita ay may tinik pala.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Walang Paksa
DiversosWala ng rason pa para maghabi ng mga salita upang ika'y alayan ng tula. Sapat na ang iyong paglisan, upang tapusin na. Ngunit para sa huling pagkakataon, nais lamang lumikha ng mga tula, mga tulang nawalan ng paksa, sapagkat ikaw lumayo na.