10 Hakbang ang Layo Mula sa Akin

40 0 0
                                    


Pinapanood ang mga hakbang na iyong ginagawa papalayo sa aking gawi.Nagpapahiwatig na talagang ika'y bumitaw at iiwan mo na akong sawi.Bawat hakbang na ginagawa ng iyong paa'y bumibigat ang nararamdaman ng aking dibdib.Bakit nga ba tayo humantong sa ganitong sitwasyon,ang dahila'y di ko malubos isip. Sadya na lang ba talagang ang alab ng mainit na pag-mamahalan ay kusang nanlalamig? Bakit ba tayo humantong sa ganito, dahil ba tayo ay nag-sawa na o dahil kusa nang nawala ang kislap ng mga boltaheng dumadaloy tuwing tayo ay magkakadikit?

Wala naman tayong dahilan upang humantong sa sitwasyong ganito. Sadya bang nag-sawa na lang tayo sa isa't isa o nag laho na ang sayang bumabalot sa ating dalwa?

Isang hakbang palayo sa akin. Isang hakbang palang ang nagagawa mo ngunit ang bigat-bigat na ng aking dibdib. Gaano ba lalaki ang aking pagkukulang upang humantong tayo sa sitwasyong kailangang pang lumayo para sumaya at lumaya ang isa? Bakit kailangan pang mag-sakripisyo ng isa para lang lumigaya? Bakit tayo humantong sa ganito para lang lumaya?

Ikalawang hakbang. Dalwang hakbang na ang layo mo sa akin. Maari naman kitang habulin at yakapin ngunit di ko alam kung ano ba ang nangyayari sa akin. Ang mga paa ko'y tila ba nakapako sa aking kinatatayuan. Ang katawan kong ayaw gumalaw at nais na lang tanawin kung paano ka lilisan.

Tatlong hakbang na ang layo mo sa akin. Wala ngang nakakapigil sa'yo papalayo sa aking piling. Wala na akong magawa sa sitwasyon ito kundi titigan na lamang ang iyong likod habang umaasa na baka ako ay itong lingunin.

Apat na hakbang na ang layo mo sa akin. Sinubukan kong buksan ang aking bibig upang pangalan mo'y tawagin ngunit tila bibig ko'y natikom,nahihirapang pangalan mo ay sambitin.
Hanggang dito na lang ba tayo,mahal?

Umabot na sa lima ang hakbang na layo mo sa akin. 'Di ko malaman ang dahilan kung bakit 'di man lang ako makagawa ng paraan upang ako ay iyong linungin, nagbabakasakaling mag bago ang iyong isip at mapagtantong ako parin pala ang tinitibok ng iyong puso ngunit hindi, umabot na sa ika-anim ang hakbang na layo mo sa akin. Umabot sa pito,hinintay ko pang umabot sa walo,siyam at sampu.

Sa ika-sampung hakbang na iyong ginawa. Hinanda ko na ang aking mga paa upang ako naman ang humakbang palayo upang hindi na matanaw kung gaano ka kasaya na malaya ka na sapagkat pinalaya kita upang sumaya ka.

Tumingala upang mga luha'y hindi umagos pababa. Tinalikuran mo na ako, tinalikuran mo na ang 'TAYO'. Tinalikuran mo na ang mga ala-alang mag kasama tayo. Ito na ang ating pag-tatapos.

Mga Tulang Walang PaksaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon