Nais kong isigaw ang pangalan mo baka sakaling lumingon ka ngunit walang boses ang lumalabas mula sa aking bibigNais kong tumakbo papalapit sa 'yo na papalayo sa akin ngunit naubusan na ako ng lakas
Nais kong bumalik ka sa akin ngunit huli na
Siya na ang pinili at ako'y tinalikuran mo na
Ano pang silbi nang pagmamahal ko sa iyo kung tumalikod ka na?
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Walang Paksa
RandomWala ng rason pa para maghabi ng mga salita upang ika'y alayan ng tula. Sapat na ang iyong paglisan, upang tapusin na. Ngunit para sa huling pagkakataon, nais lamang lumikha ng mga tula, mga tulang nawalan ng paksa, sapagkat ikaw lumayo na.