Pagkakakilanlang Kinalimutan

18 0 0
                                    

Pagkakakilanlang Kinalimutan [Spoken Poetry]

Mga salitang hinabi upang makabuo ng tula na ikaw ang paksa ay walang magagawa upang ikaw ay masalba. Nais ko mang ipaglaban ka ngunit ang mga tao'y mas pinipiling magbulagbulagan at mag bingibingihan. Sa mundong papalubog na, dinamay pa ang ating wika na ating kinalakhan, ating ginagamit upang makipagtalastasan.

Para tayong nakasakay sa isang papalubog na bangka ngunit isa lang ang gumagawa ng paraan upang ito'y manatiling naka lutang. Sariling atin na andan lang sa ating tabi hindi pa mabigyang pansin, ngunit ang mga maka banyaga ay nagagawang tangkilikin?

Mismong kapwa Pilipino na natin na nais itong tanggalin sa kurikulum ng pag-aaral sa kolehiyo. Hindi na nga pamilyar sa ating wika tinanggalan pa ng pag-kakataong mapag-aralan ito. Para tayong pinutulan ng dila at tinanggalan ng pagkakakilanlan.

Kay dami ng mga bayaning kasarinlan ng bayan nati'y ipinaglaban. Paano na ito, mismong kapwa na natin ang nais mag-alis ng ating pagkakakilanlan? Para tayong inalisan ng kakayahang salitain ang ating mga kaalaman na nasa ating isipan gamit ang sarili nating lengguwahe.Ating pgkakakinlalan, basta-basta na lang ilulubog sa kailalaliman upang kalimutan at tangkiliking ang makabayagang pagkakakilanlan?

Mga Tulang Walang PaksaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon