Umpisa ng Pagtatapos

188 4 0
                                    


Naging masaya naman ang ating naging umpisa, ang umpisa ng ating istorya ng pag-iibigan

Normal naman ang takbo ng bawat eksena sa nakatalang kabanata

Naging masaya naman ang ating umpisa, hindi lang ang ating pag-tatapos

Kung noo'y balot lamang ng tawa at saya, ngayo'y namumuo na ang galit at selos

Hindi mabitaw-bitawan ang kamay ng bawat isa, ngayo'y kusa ng nabitaw patungo sa mag-kaibang direksyon

Walang araw na lumipas na hindi maaring makita ang isa't isa, ngayo'y tila nag-tataguan na

Mga matatamis na ngiti na abot langit, ito;y unti-unti na ng nabubura at nag-lalaho

Apoy na nag-aalab ay biglang nanlamig

Mga ngiti ngayo'y naging luha

Mga tawa'y napaltan na ng lungkot at pag-kabigo

Ang mga masasayang ala-ala ay unti-unting naging bangungot

Masasayang umpisa'y tila nagbago na

Ligayang panandalian sa 'yo na tagpuan

Mga ala-alang pinagsamaha tila ba'y hiram lamang

Wala namang naging dahila upang istorya nating tumungo sa ganitong sitwasyon

Talagang kusa na lang na pagod ang ating mga puso' kusang nawala ang pag-ibig na natagpuan sa isa't isa

Wala namang maaring maging dahilan ngunit bigla na lamang nawalaIa

Ang istorya nating dalwa ay parang bula, naglalaro lamang sa hangin ngunit bigla na lang mawawala

Landas nati'y nagtagpo ngunit hindi para sa isa't isa

ito na ang umpisa ng ating pagtatapos, ang pag-tahak natin sa mag-kasalungat na direksyon, direksyong papalayo sa isa't isa

Mga Tulang Walang PaksaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon