Binigyan mo ako ng dahilan

23 0 0
                                    

Hindi kayang ipahayag ng salitaan kaya hayaan niyo sana akong ipahayag ito sa patulang paraan. Walang paligoy ligoy pa ika'y aking tatanungin na, bakit mo ako binigyan ng dahilan? Anim na salita  ngunit kinimkim ng pagkatagal-tagal, wala naman talaga akong planong mapagod ngunit binigayan mo ako ng dahilan. Wala naman sa aking planong bumitaw ngunit binigyan mo ako ng dahilan upang mapilitan, mapilitang isantabi ang aking pagmamahal sa iyo at unahin muna ang pagmamahal ko sa aking sarili. Mahal, bakit mo ako binigyan ng dahilan? Bakit ka gumawa ng dahilan upang ikaw ay akin nang hayaang bitawan upang makapiling ang babaeng inihintay mo lang palang ikaw ay babalikan.

Mga Tulang Walang PaksaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon