Pluma at Kwaderno

27 0 0
                                    

Aking prinsesa, hayaan mong aking idaan sa tula itong aking damdamin na hindi madaan sa sa materyal na bagay.

Heto na naman hawak-hawak ang sandatang panulat at ang kuwadernong kalasag. Umaasang sa mga kagamitang ito ay mag pag-asang mag-wagi sa giyerang aking sinabak.  Ako'y hamak lamang kung ikukumpara sa mga kalaban: tangan-tangan ang mahahalimuyak na rosas at may kapares pang mamahalin at matatamis na mga tsokolate na nagmula pa sa malalayong panig.

Noong una'y nag-aalinlangan pa kung tama ba ang desisyon kong makipagsabayan sa mga binatang mala prinsipe ang mga tindig. Kinuwesyon pa ang sarili "Tama ba ang pag-piling kong sumugal sa giyerang ito na halata namang isang batang paslit lang ako kung ikukumpara mga malalaking binatang kalaban?"
Ngunit walang pag-aalinlangan.  Ako ay lalaban  hindi dahil nais mag-pakitang gilas, wala mang mahahalimuyak na rosas o makikintab na mamahaling alahas, lalaban ako gamit ang aking mga talinhagang ikaw ang paksa.

Manalo man o matalo ang tanging dahilan ko lamang kung bakit ako lumalaban ay upang ipakita sa'yo aking prinsesa na kung gaano katapat at puro ang aking pagmamahal sa'yo.  Handa akong ipakitang kaya kong lumaban sa pamamgitan ng aking matatalinhagang salita.

Wala man akong maialay na mamahaling materyales ngunit kaya kong ipadama sa'yo na tunay ang aking pagmamahal sa pamamagitan ng mga tula na ikaw ang paksa.  Kaya kong makipagsabayan sa kanila kahit na walang tangan-tangan na bulaklak. Hayaan mong daan ko ang aking pagmamahal sa pamamgitan ng pag-tala sa kwadernong ito kung paano mo nabihag ang puso kong ito.

Hayaan mong isulat ng aking pluma ang ating kwento: na kung saan ikaw lamang ang prinsesang bumihag sa hamak kong puso. Hayaan mong aking itala sa aking kwaderno kung paanong sa bawat araw ay lalo akong nahuhulog sa iyo, na nasa punto ng hindi na makatayo at makaahon. Itatala ng aking pluma na kung paanong ang kulay abo mong mga mata at nabihag ako, na tila ba nakatitig ako sa pinakamakinang na tala sa kalangitan. Nakatala sa aking kwaderno ang mga simple mong kilos na nagiging dahilan upang ang mga paru-paro ay mag-umposang sumayaw sa aking tiyan. Nakatala din sa aking kwaderno ang malambing mong boses na tila melodiya sa aking mga tenga at tawa mo na humehele sa aking patungo sa mahimbing na tulog.

Wala man akong mamahaling materyales na maaring ialay sa iyo, aking prinsesa. Ngunit hayaan mong ang lwaderno ko ang bumihag sa iyo na puno ng tula na ikaw ang paksa. Hayaan mong ang pluma ko'y maghabi ng mga salita upang makabuo ng salitang "Mahal kita."

Aking prinsesa, hindi ko man maipapangakong mabibigyan kita ng mala palasyong tirahan, mamahaling sasakyan o di kaya'y sing-sing na mayroong mamahaling bato, ngunit isa lang ang masisiguro ko, handa akong ipagsigawan at isulat sa historya ng ating pagmamahalan kung paano mo ako na bihag.

Mga Tulang Walang PaksaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon