'Ako si Pilipinas'

59 1 0
                                    

'Ako si Pilipinas' [Short Story]

Lungkot, pag-kadismaya, pag-kaawa at galit. Yan ang nararamdaman ko tuwing pinagmamasadan ko ang lugar kung saan ako nakatira.

Mukhang wala ng pag-asang magbago ang kalagayan ng mundong ito dahil sa bawat paglipas ng panahon ay lalo lang lumalala ang kalagayan dito.

Sa aking dalawang mata, tanaw ko kung paano mag-saya ang grupo ng lalaki, na kapwa nga kasal na, sa pamamagitan ng alak na may kalong-kalong pang mga dalaga.

Ang mga kabataang imbis na sa paaralan tumungo ay mas piniling humithit kasama ang mga tropa. Sa bisyo napupunta ang baong pinaghirapan ng kanilang mga magulang.

Mga dalagang nakikipagrelasyon na hindi batid ng mga magulang. Mga dalagang kung makadabog sa magulabg ay tila ba parang alam na ang lahat, ni paghuhugas ng pinagkainan ay hindi mahugasan. Mga suwail na anak. Hindi lang mabigay ang gusto, nagrerebelde agad laban sa mga magulang.

Tanaw din sa aking kinatatayuan kung paano ipagmalaki ng mga tao ang kanilang mga karangalan, at kung paano maliit maliitin ang mgabtaong hindi nakapagtapos sa pag-aaral. Mga bibig na hindi mapigilan sa pag-sasambit ng mga nakakasakit damdamin na salita.

Tanaw din dito kung paano sinisira ng mga tao ang mga likas na yaman na oina
Nakawan doon, nakawan dito. Putok ng baril doon, putok ng baril dito. Patayan doon, patayan dito. Lalo lang lumalala ang kalagayan ng ating mungong ito.

"Nakakalungkot, nakakagalit at nakakadismaya." Sambit ng babaing nasa aking tabi na may lalo na ilang metro lang mula sa akin. Nakasuot ito ng puting bistida na umaabot hanggang lupa at may mahabang buhok.

Saan siya ng galing at sino siya?

"Noong panahong halos tanggalan na ng mga Español ang ating karatapang pantao, nanatili akong matatag at nakatayo." Dagdag pa nito na hanggang ngayon ay nakakatitig parin sa mundong magulo at liko. Sa mga katagang sinambit na iyon ay napatitig ako sa kanya

"Noong panahong pinagsamantalahan ng mga Hapon ang ating kababaihan, pilit kong maging matatag. Nanatiling nakatayo." Dagdag pa nito. Kahit hindi man nakaharap sa akin ang kanyang mukha, bakas ko naman sa tono ng boses niya ang kalungkutan.

"Noong sinukan din tayong sakupin ng mga Amerikano, nanatili parin akong matatag." Muli nitong sabi na ngayon ay nakalingon na sa akin. Meron ng mga luha sa kanyang mga pisngi at bakas sa kanyang mga mata ang kalungkutan. Pilit siyang ngumiti sa akin pero nanatili lang akong nakatitig sa kanya.

"Noong pilit din tayong sinakop ng mga Tsino, nanatili akong matatag at nakatayo." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay may mga sugat na lumabas sa kanyang buong katawan na tila bang ginulpi at kinuyog nga mga tao.

Habang tumatagal ko siyang tinititigan ay meron talagang mahigawa sa kanyang nararamdaman ngunit hindi ko malan kung ano iyon.

"Sa ilang mga sakunang sinubukan akong patumbahin at sinaktan. Mga delubyong sinubok din ang aking sambahayanan. Nanatili pa din akong matatag at nakatayo." Dagdag nito.

"Ngunit sa panahong ito, Pilipino na mismo ang nagbibigay sa akin ng dahilan upang sumuko, sila na mismo ang nananakit sa akin. Nanatili akong matatag sa mga panahong sinusubukang saktan ng iba ang aking sambahayan, ngunit parang unti-unting akong pinapatay ng sarili kong bayan. Nakakalungkot at nakakadismaya." Sambit ng babae na ngayon ay naka yuko na. Basa na din ng ilang patak ng mga luha ang lupang kinatatayuan niya dahil walang tigil sa pag-agos ang mga luha niya.

Ilang sandali lang ang kanyang pinalipas at aktong hahakbang na siya papaalis ngunit merong nagsasabi sa akin na pigilan ko siya.

Humakbang na siya papaalis ngunit wala sa sarili kong hinawakan ang kanang kamay niya dahilan upang matugil ito at mapatungin sa akin.

"Anong pangalan mo?" Ang tanging na tanong ko na lang sa kanya dahil bakas sa kanya na parang alam-alam niya kung paano nasakop ang Pilipinas ng apat na lahi at kung paano nasalanta ng mga unos ang bansang ito.

Tinitigan ako nito sa mata at may parang humuhikayat sa akin na makipagtitigan lang din sa kanya.

"Ako, ako si Pilipinas. Ang nanatiling matatag at nakatayo sa mahabang panahon ngunit ang sarili ko lang din bayan pala ang papatay sa akin."

Mga Tulang Walang PaksaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon