Mga salitang pinagtagpi-tagpi upang bumuo ng kaisipan. Mga salitang nais ng bitawan. Kinimkim ng pagkatagal-tagal ngayon lang nakakuha ng tyempo upang maipahayag. Anim na salita lamang sana ang aking nais sabihin, ngunit hirap akong sambitin. Hirap ipahayag ng salitaan kaya hayaan niyo akong ihayag ito sa patulang paraan.
Pinapalaya na kita aking mahal, paalam.
Kung sa kanya mo talaga nahanap ang iyong tunay na ligaya, kung sa kanya mo natagpuan ang pagmamahal na hinahanap ng iyong puso. Kung siya ang nakabihag sa iyong mga mata, halik noya ang hanap-hanap ng iyong labi at haplos ng kanyang mga palad ang ninanais ng iyong kamay. Kung sa kalinga niya ikaw ay panatag, kung sa piling niya natagpuan mo ang langit.
Pinapalaya na kita aking mahal, paalam.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Walang Paksa
RandomWala ng rason pa para maghabi ng mga salita upang ika'y alayan ng tula. Sapat na ang iyong paglisan, upang tapusin na. Ngunit para sa huling pagkakataon, nais lamang lumikha ng mga tula, mga tulang nawalan ng paksa, sapagkat ikaw lumayo na.