"TAYO" sa ''KAYO"

57 0 0
                                    


Hindi ko mapigilang magbalik tanaw sa nakaraan na maaring maging dahilan upang lumala lamang ang sakit na aking nararamdaman. Hindi ko malimut-limutan ang mga pagkakataong may 'IKAW' at "AKO' pa sa romantikong istorya ng ating pag-iibigan. Bakit ang sakit-sakit para sa akin na tuwing babalikan ang memoryang may 'TAYO" pa na ngayo'y unti-unting napapaltan ng 'KAYO'?

Ang sakit para sa akin na ako ang nauna pero sa iba ka nakahanap ng tunay na ligaya. Ang sakit lang na ang mga ala-ala mong binubuo na siya ang kasama ay ako ang parte ng ala-ala iyan sa nakaraan. Na kung dati ako ang kasama sa kilig at pag-tawa ngayo'y naagaw na sa akin ang pagkakataon na iyan sapagkat nakahanap ka na ng mas hihigit sa aking pagmamahal, sinta.

Kung ako dati ang pinakikilig mo sa 'di inaasahang pagkakataon ngayo'y SIYA na. Dumating siya sa istoryang ito kaya ako'y tinalikuran at itinapon mo na ang mga ala'alang nabuo natin. Nakakapagtaka nga'y bakit bigla ka na lang hindi namansin at nanlamig yun pala'y sa iba na nakapako ang iyong atensyon. Bigla na lang umiiwas ng 'di ko malaman ang maaring maging dahilan yun pala'y kaniyang atensyon ang nais mong makuha at ninanais.

Sa matagal nating magkasama mas pinili mo pa siyang kailan mo lang nakilala. Ang sakit lang sinta, naghihintay ako na baka babalik ka pa at babalik ang dati nating pagsasamahan ngunit naghihintay lang ako sa wala. Ang sakit 'di ba na masaksihan mo na tinutukso kayo sa isa't isa na sa nakaraan ay ako ang babaeng tinutukso sa'yo ng madla.

Ang dali mo namang makalimot, nakalimutan mo agad ang ating sumpaan na pag dating ng tamang panahon ay ikakasal tayo sa isa't isa pero ang takbo ng istorya ay naiba. Ikaw at ako ay nag-iba, ikaw ay nag-iba dahil meron ka ng iba.

Ang sakit na ako na lang pala ang naghahawakan sa nakaraan na may 'TAYO' at nagbubulagbulag sa kasalakuyan na mayroong 'KAYO' na ang TAYO ay unti-unti mong binubura at pilit mong pinahiwalay kaya nabuo ang IKAW at AKO at ng may dumating na bago, noong dumating siya ay natira ang AKO na naiwan sa nakaraan at naging KAYO.

Ako ang unang babaeng iyong minahal sa umpisa pero naging iba ang pagtatapos. Sa 'TAYO' nag-umpisa ang istoryang ito pero ang nakakatawa mukhang mag-tatapos ang kwentong na ito sa 'KAYO'. Ako ang unang babaeng nag-patibok sa iyong puso pero ako din ang naging talo sa dulo.

Kahit na naging ganto ang takbo ng kwentong ito ay nais kong mag-pasalamat sa iyo, dahil naramdaman ko na ako'y minahal mo din kahit paano sa pansamantalang panahon at nagpapasalamat din sa sakit na iyong idinulot at ako'y na mulat na iba ang 'TAYO" nang nakaraan at iba ang 'KAYO' ng kasalukuyan.

Hayaan mo lilipas din ang panahon ang sakit na nararamdaman ko tuwing masasaksihan ng aking mga mata na kayo'y magkasama ay naniniwala akong lilipas at hanggang sa maging manhid na na ito. Ang mga luha'y unti-unti matutuyo at ang nadarama ko sa iyo ay maglaho. Unti-unting matanggap ng sistema ng aking puso na wala ng TAYO.

Mga Tulang Walang PaksaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon