Mga katagang masakit nang pakinggan

51 0 0
                                    


[A/N: Warning! in this piece you may encounter some typographical errors and wrong grammars. Tinatamad po kasi akong i-edit, PEACE]

"Mahal pangako walang iwanan"
Mga katagang nakakasawa nang pakinggan. Katagang paulit-ulit nang pinaniwalaan. Mga katagang iniwan akong lumuluha at sugatan. Katagang pinanghawakan,ako na man itong si shunga umaasang magiging katotohanan.Katagang masakit ngunit minsan nang sa akong binigyang kaligayahan.
Sa simula lang naman ang lahat ng iyan."Mahal walang iwanan" wag nang maniwala diyan.
Ilang mata na ang napaluha niya
Ilang para puso na ang nadurog at nasaktang ng dahil diyan.
Mahal walang iwanan? Hintayin mo sa dulo ito'y unti-unting mapapaltan ng "Mahal di na ako masaya,di na kita mahal"
Mga salitang binibitawan upang ika'y mahalin at paikut-ikutin lang. Salitang bumihag sa akin,walang kamalay malay lahat ng ito'y laro lamang.
Pinaniwalaan at ako etong si shunga enjoy na enjoy naman.
Napagtanto na ang salitang binibitawan ay Biro lamang kung kailan ako'y sobra nang saktan.
"Mahal pangako walang iwanan" susko ito'y sa panaginip lamang
"Mahal pangako ikaw lang" isa sa katagang mapanlinlang
Mahal pangako ikaw lang pero may ibang ka-I love you-han?
May ibang kayakap ng aking madatnan.Ano ito lokohan?Sabi mo sa akin ako lang...oo nga ako lang,ako lang naman ang nilalapitan pag may kailangan.
Ginawang panakip butas lang.
"Mahal pangako ikaw lang" Sabi mo sa akin pag ako ang nasa iyong harap ngunit may iba pang sinabihan. Ilan ma ba ang nasabihan mong kami lang?
"Mahal di kita sasaktan" salitang nagpalambot sa puso ko kaya ika'y aking minahal. Ngunit ako'y paulit-ulit na sinasaksak ng kutsilyo kapag ika'y nakikitang may ibang ka holding hands.
Pinili kong magbulagbulagan, wala eh mahal kita kaya inunang pairalin ang kashungahan.
Piniling magbingingihan,kasi nga mahal kita kaya hinayaan damdami'y paglaruan. Piniling umarte nang parang walang alam,kasi nga mahal kita kaya pinili manatili rito sa relasyong puro bolahan. "Ikamamatay ko kapag nawala ka sa akin mahal" wag ka ding maniwala sa ganyan. Ilang beses niyang sinabi sa akin yan ngunit siya pa itong naglaho at nang iwan.

Naiyak tuwing gabi hanggang sa mata'y mamaga noong tayo ay maghiwalay. Di kumain,di lumalabas ng silid at nanatiling nakatitig sa kawalan,ang mga araw na yon ako'y halos mamatay.Ang araw ng aking pagdurusa,ang taong minsang nagdala ng kaligayahan ay siya ring nagdala ng kalungkutan.

"Pag-ibig ko sayo'y alay" galing mong umarte kaya ako'y napaniwala sa bawat katagang binitawan."Alam ko kung paano kita paluluhain ngunit di ko kayang gawin" ka pang nalalaman. Ako'y iyo nang daretsuhin mo na lang,ako'y nais mo na lang namang paglaruan.
Tatlong taong bago ko malimot ang lahat ngunit wala pang tatlong buwan may iba ka nang mahal. Sana ako'y dinaretso mo na lamang. Sana sa una palang ako'y iyo nang binalaan ako'y sasaktan mo lang. "Ang babaeng tulad mo'y minamahal at 'di sinasaktan" tigil mo na ang mabubulaklak mong salita ito'y nakakasakit lang. Noong una'y kinaadikan "mahal pangako walang iwanan"
"Mahal pangako ikaw lang"
"Mahal di kita sasaktan"
"Ikamamatay ko pag ika'y nawala sa akin" Mga katagang masarap pakinggan ngunit sa ako'y isang bangungot na 'di ko malimut-limutan. Katagang kinaaliwan ngunit nagyon ay mga kataga nang masakit nang pakinggan. Pangako ito na ang huling pagkakataon na ako ay makikitang durog at sugatan.
Ito na ang huling pag-iyak ng ikaw ang dahilan. Ito na ang aking pamamaalam. Wag kang mag-alala lahat ng naranasan ay binaon ko na sa limot magpakailan man. Mga katagang masakit ng pakinggan,salamat ako'y natauhan.

Mga Tulang Walang PaksaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon