HINAHANAP NA IKAW

107 0 0
                                    


Naglalakad sa ilalim ng mabituing kalangitan

Pinipilit ngumiti sa gitna ng kapaitan

Nananatiling nakatitig sa walang katapusan na karagatan

Nananatiling tinatanong ang sarili, Bakit mo naman ako iniwan?

Pinipilit na luha'y huwag pakawalan

Noong ika'y nawala, ang nakaraang kasama ka ay pinilit na kinalimutan

Kung nasaan ka man ngayon, Di ko na iyon pa nalalaman

Basta ang alam ko lang kahit saan man kita hanapin, 'di nakita matatagpuan

Saang mang sulok lumingon imahe mo ang natatanaw

Bawat araw na nagdaan, hinahanap ang mata mong bughaw

Nasasabik nang titigan ang mga ito at malaman ang istorya mo

Muling sumulpot ang ngiti sa mga labi na siyang laging iniintay

Tila ako'y nasanay na yatang laging ikaw ang kasama

Naging komportable na sa iyong kalinga

Sayang nadarama tuwing ikaw ang kasama

Ngunit ika'y di nagpaalam na ako'y lilisanin mo na pala

Bawat araw ikaw ang nais makasama

Tawa mo ang hinahanap na musika ng aking mga tainga

Kahit ika'y namaalam na puso'y nanatiling nagmamasid,baka sakali ika'y bumalik

Ikaw aking sinta,hinahanap
na ikaw

Mga Tulang Walang PaksaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon