Hindi ko kailangan gayahin ang ibang babae na tipo ng mga kalalakihan sa panahon ngayon.
Kung mahal mo ako, mahal mo ako sa kadahilanan ako ay ako.
Hindi man ako tulad ng iba na palakihan ng dibdib ang labanan, paliitan ng sukat ng baywang ang ipinagmamayabang at mukhang may koloreta kaya nag mumukhang maganda at makinis kahit sa personal ay hindi naman.
Huwag mo akong mahalin dahil sa kaanyuan ko, mahalin mo ako dahil mahal mo ako na tila ba nagising ka na lang na ako na ang tinitibok ng puso mo.
Mahalin mo ako dahil mahal mo ako.
Mahalin mo ako sa kadahilanang ako ay ako.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Walang Paksa
RastgeleWala ng rason pa para maghabi ng mga salita upang ika'y alayan ng tula. Sapat na ang iyong paglisan, upang tapusin na. Ngunit para sa huling pagkakataon, nais lamang lumikha ng mga tula, mga tulang nawalan ng paksa, sapagkat ikaw lumayo na.