Alam mo ba kung ano ang masakit?Sa bilyung-bilyong taong naninirahan sa mundong ito ay sa 'yo pa ako nagkagusto
Sa dinami-daming lalaking nabubuhay dito ay sa 'yo pa tumibok ng ganito ang puso ko
At ang masakit ay naging akin ka nga ngunit may hinihintay ka lang pa lang bumalik
Naging akin ka ngunit may ibang tinitibok pala ang puso mo
Naging akin ka ngunit nanaitili kang nakatali sa iba
Ako ang kasama mo ngunit iba ang tumatakbo sa isip mo
Sana sinabi hahayaan naman kitang umalis at muling bumalik sa kanya.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Walang Paksa
De TodoWala ng rason pa para maghabi ng mga salita upang ika'y alayan ng tula. Sapat na ang iyong paglisan, upang tapusin na. Ngunit para sa huling pagkakataon, nais lamang lumikha ng mga tula, mga tulang nawalan ng paksa, sapagkat ikaw lumayo na.