Unti-unti nang binuksan ang taingang nakasaraMinulat ang mga matang naakapikit
Binawi ang mga kamay sa mahigpit na pagkakahawak
Ang mahigpit na hawak na unti-unting lumuluwag hangngang sa kusa nang bumitaw
Tinitigan ang ang mata ng bawat isa
Lumitaw ang ngiti sa labi
Hinakbang na patalikod ang kanang paa at tinalikuran ka na
Masakit. MAsakit humakbang palayo sa iyo dahil ito na ang paalam sa isa't isa
Tumulo na ang mga luhang kanina pa pinipigilang kumawala
Mahirap lumayo sa iyo lalo na't sa oras na ako'y umalis ay pag mamay-ari ka na ng iba
Mahal kita, pero ikakasal ka na sa kanya
Paalam na.
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Walang Paksa
RandomWala ng rason pa para maghabi ng mga salita upang ika'y alayan ng tula. Sapat na ang iyong paglisan, upang tapusin na. Ngunit para sa huling pagkakataon, nais lamang lumikha ng mga tula, mga tulang nawalan ng paksa, sapagkat ikaw lumayo na.