Bakit Pipigilan Ko Pa?

108 1 0
                                    


Mga luha'y 'di na mapigilang pumatak

Puso'y tila na durog na sa ilang libong piraso

Aking isipa'y 'di ito matanggap

Nakikita ng aking mga mata'y pinilit na 'di paniwalaan

Ilang taon ko 'ding tinago itong tunay nadarama

Kahit sa patanaw-tanaw lang ay okey na

MAkita lang ang ngiti sa iyong mukha ay sapat na

Tala! Aking nadarama'y lalong lumalalim na

Ang maganda mong mukha

Ang mala melodiya mong tawa

Ang tindig mong kahanga-hanga

Ilang bagay na bumihag sa puso kong nanghihina

Ngayo'y nagsisis na

Bakit ngayon lang nagkaroon ng lakas ng loob?

Kung kailan huli na

MAy na una na, may mahal ka na

BAkit ba ang torpe ko?

Bakit ang manhid mo?

Tayo ba talaga'y di para sa isa't isa

Tayo ay pinagtagpo lang upang magkakilala ngunit hindi para mag-sama

Kapag talaga nakipaglaro ang tadhana

Di mo malan kung kayo ba talaga ang para sa isa't isa

Minsan nga'y nasa harap mo na pala

Sa iba lang nakatuon ang iyong mga mata

Siguro nga'y ikaw ay di nararapat para sa akin

Baka ika'y nakilalaa lamang upang maag-bigay ng pansamantalang saya

Sayang may kapalit ng makrka ng kabiguan

Baka tayo,y pinagtagpo upang mkakilala at hanggang doon lamang

Binitawan na ang mga rosas na sana'y alay sa iyo

Tinapon na ang tsokolateng tunaw na sana'y handog sa iyo

Humakbang na patalikod , papalayo sa magkayakap na "KAYO"

Kung s kanya ka liligaya, kung sa kanay mo natagpuan ang iyong saya, BAKIT PIPIGILAN KO PA?




Mga Tulang Walang PaksaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon