“Masaya sana”
Heto na namang muli,tangan-tangan ang libro ng nakaraan. Ilang araw nang binabalik-balikan, naasa na sa umaga baka sakaling presensya mo’y muling magparamdaman.
Aklat na nilalaman ang mga pangakong binitawan, ako lamang ang nais makasama patungo sa walang hanggan, hindi kagaya ng iba na ako’y iiwang luhaan, hinding hindi bibitaw sa mahirap na pinagdadaanan, ngunit tulad nila, ikaw ay lumisan.
Bakas ng nagdaan hindi na mabura sa isipan, hindi na malimut-limutan. Puso’y muli na namang nasugatan, sa mga salitang pinaniwalaan na iiwan din naman pala akong sugatan.
Ikaw ang nagsilbing takas sa mundong nababalot ng kadiliman, nagsilbing takas sa mundong negatibo na lamang ang nakikita ng mga mata. Ikaw ang aking naging pahinga sa panahong napapagod na.
Mga panahong kahit sarili ko’y aking tunuturing na kaaway, ikaw ang aking nagging kaagapay, upang muling maibalik ang tiwalang naiwala sa sariling pagkakakilanlan.
Sa mga oras na ligaw na ligaw na at hindi na matanaw ang daan pabalik sa kasiyahan, ikaw ang nagsilbing gabay upang muling makabalik sa masiyahing ala-ala na aking taglay.
Nagbigay direksyon sa mala pasikot-sikot kong daanan.
Nakaraang nababalot ng pag-asa at pag-iibigan, ngayo’y napaltan na ng kasalakuyang napupuno ng paghihinagpis at panghihinyang.Muli na namang nabasag ang aking tiwala na buong puso kong ibinigay sa iyo sa pag-aakalng iingatan mo ito at paghahalagahan.
Hindi ko lubos isip na ikaw ang bumuo sa akin, ang nag punan sa mga kulang ay siya ring magiging dahilan upang ako’y muling mabasag at muling makaramdam ng pagkukulang.
Nakaramdam ng kapayapaan at sekyuridad tuwing mga palad ay magkakadikit, na hindi ko batid na ito rin pala ang magiging dahilan ng aking pagkadulas at sumalampak sa sahig.
Tangan-tangan ko na naman ang librong naglalaman ng ating nakraan na masaya sanang balik-balikan kung hindi lamang kapalit nito ang aking pagnanais na sana ikaw ay muling makapiling.
Masaya sanang muling bumalik sa nakaraan kung hindi ko lamang batid na iyong paglisan ang ating magiging hangganan.
Ikaw ang nagging pag-asa ngunit hindi ko naman batid na ikaw din pala ang magiging dahilan ng aking muling pagkatumba.
Masaya sanang bumalik sa nakaraan kung mga pangako mo lamang ay iyong napanghawakan, masaya sana kung mananatiling ako ang iyong mahal at mananatiling ikaw ang aking tahanan.
#
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Walang Paksa
RandomWala ng rason pa para maghabi ng mga salita upang ika'y alayan ng tula. Sapat na ang iyong paglisan, upang tapusin na. Ngunit para sa huling pagkakataon, nais lamang lumikha ng mga tula, mga tulang nawalan ng paksa, sapagkat ikaw lumayo na.