Sapilitan

7 0 0
                                    


Sapilitan

Unti-unting nararamdaman ang lamig na dala ng hangin

Nadarama na rin ang lumbay sa paglitaw ng mga bituin

Hindi ko naman batid na maari ring palang mawala ang ligaya  tulad ng bula

Ang dating hindi mapaghiwalay ngayong nasa mag kabilang dulo na
Kung paanong sa paglubog ng araw, buwan ang lilitaw

Kung paanong ang langit ay malayo sa lupa

At kung paano ang pinaglulubugan ng araw ay malayo sa lilitawan

Ganon na din tayong dalwa, ikaw ay dumistansya na

Nagpaalam  ka na ang dahilan sa aki’y misteryo pa

Nanatiling tanong sa aking isipan
“May nagawa ba akong mali upang ikaw ay mabigyang dahilan upang lumisan?”

Ano ba ang naging dahilan upang ikaw bumitaw?

Ako ba sa iyo’y nagkulang?

O, hindi ko naipadama na ikaw ay aking lubusang mahal, sinta

Nais ko sanang malaman, kung bakit, bakit parang ang dali lang sa iyo na ako’y lisanin

Hindi ko naman hiniling ang iyong pagdating, ganon din ang iyong pang-iiwan

Hindi ko nais na ako’y iyong itapon na para bang laruang pinagsawaan
Nais ko lamang naman malaman kung bakit,

Bakit ka nang-iwan, lahat ba nang iyong ipinakita ay sapilitan lang?

Mga Tulang Walang PaksaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon