Laro Tayo

52 0 0
                                    


Laro tayo! Sambit mo sa akin na may napakalawak na ngiti.
Pinikit mo ang iyong mga mata bago sabihing
Pagkabilang kong tatlo nakatago na kayo. 1,2,3
Napangiti na lang akong mapait dahil magtago man ako o hindi ay batid ko naman na hindi ako ang hanap ng iyong mga mata.

Eto ngang nasa harapan mo na ako ni tingin ay di mo magawa, kung ako'y magtago pa kaya? Ngayong ngang nasa harap mo na ako ay hindi mo parin makita ang aking nadarama.
Hindi ko na kailangan magtago pa kung hindi din naman ako ang hanap-hanap ng iyong mga mata.

Nang magsawa ka sa larong ito ay nagyakag ka na mag laro tayo ng habul-habulan. Ano ba!? Ang tagal-tagal ko nang naghahabol sa iyo hindi naman kita mataya. Dahil kahit anong pilit kong habulin ka kahit anong bilis ng aking takbo ay alam kong hindi ko magagawa.Kahit anong habol man ang gawin ko maabutan lang kita ay alam ko namang pag dating sa dulo ay talo lang din naman ako.

Nang matapos ang larong ito ay ang larong tumbang preso ay napiliing laruin. Tamang tama ang larong ito para sa atin! Ikaw ang mga tsinelas na binabato upang maging dahilan ng aking pagkatumba at muling itatayo upang patumbahin lang muli.

Sumali pa ako sa kalokohang ito kahit alam kong sa umpisa pa lang ay talo na ako. Bakit ba naisipan ko pang sumali rito kung bawat segundo, minuto, oras at araw ay lagi mong ipinapadama na wala ng tyansa na manalo ako sa laro ng pag-iibigang ito.

Mga Tulang Walang PaksaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon