Ikaw sa Bawat

38 0 0
                                    

Sa bawat tulang itinatala, sa bawat tulang ikaw ang inpirasyon upang makalikha ng mga pinaghabing salita upang ipahayag ang tunay na nadarama.

Sa bawat oras na ang aking mga mata ay nanatiling nakatitig sa maamo mong mukha, sa bawat araw na ikaw lamang ang nais maging laman ng aking isipan. Sa bawat pagkakataong iniisip na sa iyo na pala naikot ang aking mundong ginagalawan.

Sa bawat salitang binibigkas ng mga labi, sa pagkurap ng mga mata aking ginagawa, sa bawat makapigil hininga mong ngiti. Ang tinig mong nagbibigay kapayapaan sa mala giyera kong pamumuhay. Ikaw ang aking naging dahilan upang lumigaya at ang puso't isipan pumayapa.

Ikaw ang naging tahanang nagbigay kalinga sa bawat araw na kinakain ng kalungkutan . Ikaw sa bawat kabalisan ang aking naging kanlungan.

Sinta, ako'y pakinggan sana. Buksan ang mga mata, ilahad sa akin ang iyong tainga. Ako'y may paghanga sa iyo, dalaga. Matagal na kitang sinisinta.

Nag-imbak ng lakas ng loob, nangolekta ng mga tugmaang salita upang iparating sa tula na ako'y nahuhulog na. Nahuhulog na nasa puntong hindi na makabawi upang tumayo pa.

Inani ang tapang, lubusang sinaliksik ang tamang salita; Ikaw ang nagbigay sa akin ng dahilan upang lumigaya, hayaan mo naman sana akong patunayan ang aking kakayahan. Hayaang ipakita sa madla kung gaano ka sa aki'y kahalaga. Hayaang malaman nila, sa puso ko'y ikaw ang bumihag at nakapana. Tahasang sasambitin sa kanila; mahal kita, mahal na mahal.

Ikaw ang pipiliin sa bawat oras. Ikaw sa bawat araw. Ikaw sa bawat taon, ikaw sa bawat tulang nilikha, ikaw sa bawat matatapang na salita. Ikaw sa bawat taong lumipas.

Ikaw sa bawat kagustuhang sumuko ang naging dahilan upang maging pinagkukunang kalakasan. Ikaw sa bawat panlulumo ang naging sigla. Ikaw sa bawat ayoko na ang naging patuloy pa, ako'y lalaban pa. Ikaw sa bawat kinamumuhian kita ang naging aking mahal kita.

Mga Tulang Walang PaksaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon