Bakit nga paulit-ulit kong pinipiling umibig kahit sakit at pag-luha lamang ang hatid nito sa akin?Bakit patuloy ko paring sinusubukang maging masaya kahit gusto nang bumigay?
Bakit patuloy kitang minamahal kahit alam ko naman na hindi ako ang taong gusto mo?
Piniling mag-bulag-bulagan,
Pinilit na mag-bingi-bingihan,
Wala eh, tanga 'tong puso kong ito mas pinipiling masaktan,
Paulit-ulit kang nilalayuan ngunit paulit-ulit lang din na ang mga pa'ay muling humahakbang papabalik sa 'yo,
Ikaw palagi ang pinipili ng puso kong ito kahit alam ng wala akong papel sa buhay mo,
Pilit kong pinagkakasya ang aking sarili sa isang masikip na silid,
Haintulad sa pag-pipilitan ko na ilapit ang mundo ko sa mundo mo kahit napaka-imposible
'Di ko malaman kung bakit sa dinami-daming tao sa mundong ito ang palaging pinipili ng puso ko ay ang taong walang pake sa nararamdaman ko,
Kaya sa pag-kakataong ito, handa ng bumitaw ang mga palad ko sa mga patalim na hawak-hawak ko,
Kinalimutan na ang mga bagay na pinag-hirapan ko mapansin lang ang sinisigaw ng damdamin ko,
Handa ng kumalas ang mga daliri ko,
Tatlong daliri na lang naman, handa na akong bumitaw at pakawalan ka para sa ikasasaya mo
BINABASA MO ANG
Mga Tulang Walang Paksa
De TodoWala ng rason pa para maghabi ng mga salita upang ika'y alayan ng tula. Sapat na ang iyong paglisan, upang tapusin na. Ngunit para sa huling pagkakataon, nais lamang lumikha ng mga tula, mga tulang nawalan ng paksa, sapagkat ikaw lumayo na.