Isinusuko ko na

468 2 0
                                    


"Ipaglalaban kita hanggang nakikita kong ipinaglalaban mo rin ako.

Ipaglalaban ko ang 'tayo' hanggang nararamdaman kong dapat parin kitang ipaglaban."

***********************************

Handa ng ibaba ang sandatang hawak-hawak
Handa ng sumuko sa labanang ito
Pinaatras na ang mga sundalo
Handa ng harapin ang pagkatalo

Isinuko ang mga sibat
Binaba na ang espadang hinasa
Itinapon na ang mga balang inipon
Isinuko na ang paloso't panang tanan-tanan

Isinusuko ko na ang laban na ito
Ako na mismo ang sumuko hindi dahil naduduwag ako
Sumusuko na ako dahil sa sakit na natatamo
Sumusuko na dahil awang-awa na ako sa sarili ko

Sapagkat ako'y lumaban,pinilit tanggapin ang bawat sugat na natamo
Ang sakit na nararamdaman ay pilit na itinago
Luhang nais kumawala ay pilit na huwag pakawalan at huwag tumulo

Isinusuko ko na ang laban na ito at tinatanggap na ang pagka-talo
Nakakatamad na din namang lumaban para sa wala
Lumalaban habang ang pinaglalaban ko'y masaya na sa piling ng iba

Mahirap lumaban para lang pala masaktan at maging luhaan
Mahirap lumaban dahil hindi din naman pala ikaw ang mag-wawagi ano man ang gawin

Kaya ako'y sumusuko hindi dahil ako'y naduduwag kundi dahil sobra na ang sakit na nadadama. Madami na ang sugat na natamo.

Mga Tulang Walang PaksaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon