Chapter 26

434 21 3
                                    

Pregnant


Sinabunutan ko ng matindi si Owen sa kahihiyan na dinulot niya sakin. Parang wala na akong mukhang maihaharap kay Manu sa ginawa niyang pag-aalipusta sa pagkatao ko.


"You'll thank me later, baka pumunta 'yun dito mamaya."


"Shut up, Owen." pabiro ko siyang inirapan at hinablot na ang phone sakanya.


"Maka-ano naman 'to, feeling virgin ka gurl?"


"I am, dumbass!" inirapan ko ulit siya at pumunta na ng pool. They played Lauv and Lany music kaya chill kami habang umiinom sa pool, natutulala na lang si Marica from time to time habang kami ni Owen ay nagbibigay ng shot sakanya at vinivideohan siya.


"Mga sis, news spread na may ganap kina Cleo and they are asking if they can join us."


"Nasa stories din kasi natin kaya ganon." tinignan ako ng tatlo, tumango ako sakanila.


"Invite them over, my Mama would not mind for sure pero tayo-tayo lang ang mag-oovernight." tumango sila at naging busy na sa kanya-kanyang phone para ipamalita ang sinabi ko.


Maya't-maya pa ay nagsidatingan na sila. Hindi naman ganoon karami, mostly Erika and Owen's friends pero nagulat kami ni Allan nang may isa pang grupo na dumating.


"You invite them over?" tanong ko nang makita si Vincent kasama ang ilang student leaders. Umiling ang dalawa at inentertain na ang mga bagong dating. I sighed and smiled at Jayree who's already wearing her bikini.


Our simple get together of four persons became a party of twenty, yung iba may dalang hard liquor at pizza kaya gustong-gusto ni Marica.


Bigla akong nanlamig nang biglang humangin ng malakas kaya halos lahat ng mga babae na naka swimsuit ay pumunta na sa pool. We are mostly women, tanging si Allan, Vincent and tatlong lalaki na kaibigan ni Owen sa student council ang nandito kaya kumportable ako kahit papano sa suot ko.


"Midterms is almost near, kamusta prelims nyo? Did you follow my advice?" tiningala ko si Vincent na umupo sa gilid ng pool, just in front of me.


Lumapit ako sa side ng pool para itago ang sarili ko. "Well... I can say I did well pero iba pa rin ang pressure kapag nasa pilot section."


"Oh? Congrats! Masasanay ka rin, eventually you'll thank them for pressuring you." sumangayon ako sa sinabi niya dahil totoong lalo akong namomotivate pero hindi ko parin mapagkakailang mas gusto kong kasama sina Marica para may balance naman sa social and acads life ko.


Inabutan niya ako ng red cup na may lamang jack coke at sabay kaming nag-cheers, we talked about my professors, some tips and my subjects for this sem. I froze when he decided to take a swim, hindi ko kasi expect na magsswimming siya lalo na't wala naman siyang dalang bag kanina.


"It's in Luke's car." tumango na lang ako at umalis na siya, para siguro magbihis.


Pupuntahan ko na sana si Marica nang nagtama ang mata namin ni Manu. Natigilan pa ako noong una pero nakabawi rin kalaunan. Hindi ko sila nakitang dumating kasi nakatalikod ako sakanila noong kausap ko si Vincent.


"Kanina pa sila Manu dito, busy ka kasi masyado!" rinig kong sigaw ni Owen, wala na akong time para hanapin siya sa dami ng tao sa pool.


Umakyat ako sa pool ladder at hindi pa tuluyang nakakaahon ay may pumalibot ng tuwalya sa akin.


SCSU: Cleo - Worth Fighting ForTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon