1.

288 8 0
                                    

"What?" I gasped in shock and confusion when Rea told me a bad news.

She smiled sadly at me. "Yes, Vanessa. I was with Ma'am Beatrice a while ago when her mother called her. 'Yong asawa daw ni Ma'am, sinugod na naman sa hospital dahil inatake ng sakit," sabi nito at lumungkot ang mukha. "Ma'am Beatrice filed a resignation to focus on her husband. Ibig sabihin, iba na ang mamamahala ng Starshines."

Of course, I became sad after hearing the news. Ma'am Beatrice is a very kind president of the agency. Mula nang mapunta ako sa agency, siya na ang nag-guide sa akin at nakita ko kung gaano kamahal ng mga staff at ibang talents si Ma'am Beatrice.

Now, she resigned. I don't know what's gonna happen now.

"I heard the former Vice President of Starshines will now be the President, si Mr. Yap," sabi ni Rea pero, imbis na mapanatag, mas na-stress at nalungkot lang ako sa narinig.

Why of all people, si Mr. Yap pa talaga?

Months ever since Ma'am Beatrice left, the agency faced a lot of crisis. Nagagawan ng paraan ng bagong presidente 'yon which is si Mr. Yap but, the workplace became suffocating. Mas naging masikip ang mga schedules at wala nang tigil ang pagtatrabaho.

Napahinga na lang ako nang malalim matapos sabihin ni Rea ang schedule ko sa buong linggo. Photoshoots, interviews, social gatherings, fashion runway invitations, meetings. Please, give me a break.

Umagang-umaga pero, ito ako at nagtatrabaho na kaagad. Alas-kwatro ng umaga ay umalis na ako sa condo para tumungo sa building at alas-otso na ngayon pero, hindi pa rin ako nabibigyan ng breaktime.

I can see Rea taking a worried glance at me but, I smiled at her. Nagugutom na ako dahil hindi ako nakapag-almusal pero, hindi ako pwedeng umalis dito at kumain. The photoshoot is still ongoing.

The door of the room opened and Mr. Yap entered and that just made the aura intense. Napaka-istrikto kasi nito at kahit ako na matagal na sa agency ay hindi pa rin pinapalagpas. Walang sikat-sikat sa kaniya. Walang special treatment kaya halos lahat kami ay takot magkamali kapag nariyan siya.

"Magandang umaga po," bati namin sa kaniya. Nanatiling malamig ang tingin niya at pinanood ang nagaganap.

"Proceed. You're wasting time."

The photoshoot proceeds. I tried my best to give my best poses. Hindi ako lumilingon sa direksyo ng President para hindi ako ma-intimidate. Mas nag-focus ako sa pag-pose sa camera hanggang sa sumenyas ang photographer na ayos na.

Rea came to me and handed me a bottled water but before I could open the lid, a cold voice surrounds the room.

"That's it?" malamig na tingin ang pinukol ng president sa akin at sumunod ay sa photographer na mukhang nagukat din at natakot sa lalaki. "You called that best-selling? I didn't feel the impact and the power on your poses, Vanessa. Redo it," aniya at basta na lang tumalikod.

Naiwan kaming tahimik at hindi alam ang gagawin. The photographer glanced at me and by the way he glances, I felt exhausted.

Of course, sino ang susundin nila? Malamang ang nakatataas.

Hindi na ako nakainom ng tubig dahil nagsabi na akong ituloy na agad ang photoshoot. Gusto ko nang matapos 'yon kaya naman hindi na ako humingi ng break. Tutal, hindi naman nila binibigay.

It's nearly 2pm when the shoot ended. Halos masuka ako sa gutom kaya nang natapos ay mabilis akong magbihis at lumabas para makakain.

"Essa, kain ka na. Baka mapano ka pa," Rea approached me with a styrofoam in her hands. May lamang pagkain 'yon. Walang imik kong inabot ang hawak niya at kumain.

"I miss Ma'am Beatrice..." she suddenly said.

Napangiti na lang ako nang mapait. "Ako rin. Wala na ba talaga siyang balak bumalik?"

Rea shook her head and it made me hopeless.

The work I love to do... it's starting to get exhausting.

Hindi pa natapos sa photoshoot ang trabaho ko. Matapos kong kumain ay ipinatawag kami sa opisina ng presidente. Akala ko kung anong sasabihin pero, ipinaalala lang pala nito ang interview na magaganap. Featured doon ang Starshines at ang mga modelo ang mai-interview bukas na bukas din agad.

"I expect you all to be professional and do great. Dismissed."

Katulad nitong mga nakaraang araw, umuwi akong pagod at halos hindi na makalakad dahil sa antok. I've been overworked! Gusto ko ng mahabang tulog at pahinga.

Ayaw kong maging masama pero, magmula nang ang presidenteng 'yon na mamahala, naging masikip ang lahat. Parang nahirapan akong huminga sa agency dahil sa mga striktong pamamalakad. We're overworked. Sasabayan pa ng kaliwa't kanang mistreatment.

Matapos lang talaga ng lahat ng scheds ko, hihingi ako ng mahabang break.

But, it seems impossible.

Naging in-demand ako sa mga sumunod na araw at buwan. Hindi na mabilang kung ilang beses akong nabigyan ng break kasi, wala. Araw-araw akong nagtatrabaho at halos araw-araw ay may iniisip ako.

I want to badly rest. I want to lay down my bed and have a good, peaceful and tight sleep.

"No, you can't have your vacation. Maraming endorsements ang dumadating at lahat sila ay para sa 'yo. Sasayangin mo ba lahat 'yon?" That words from the Mr. Yap made my world shatters.

"But, sir..."

"No, you can't, Miss Vanessa. The sales will drop down if you'll go missing. Hindi mo ba napapansin na mataas ang sales ng mga magazines na ikaw ang front page? If you're going to go missing, the sales will drop down. Naiintindihan mo ba, Vanessa?"

Ayoko na talaga. Kailan ba ako mabibigyan ng pahinga?

When I had the time to rest for a bit, I didn't hesitate to call my mother. Hindi na rin ako nakakatawag sa kanila dahil nga sa sobrang abala sa trabaho.

"Anak?" My tiredness fades like a magic when I heard my mother's voice.

"Hello po, mama. May ginagawa po ba kayo?" malumanay na tanong ko.

"Nanonood lang kami ng movie ng papa mo habang hinihintay na umuwi si Sarus. Ang kapatid mo, balak na yatang tumira sa library ng school nila," she said and I can hear my father's chuckles.

"Kanino pa ba magmamana si Sarus, baby? Malamang sa akin, summa cum laude kaya— Aray, baby! Masakit!" I suddenly heard Papa's groans.

"Tumahimik ka nga! Summa Cum Laude ka d'yan. Summa Cum Laundry kamo! Tagalaba ka lang naman ni Mama Tania noon eh!"

The moment I heard my parents' laughters, I closed my eyes and prayed that I'll have the chance to go home and hug them. I really miss them.

"Sandali! Si Vanessa!" Mama said. "Anak? Nandiyan ka pa? Pasensya na, itong tatay mo kasi, maligalig."

"It's fine, mama. Napatawag lang po ako dahil may gusto akong sabihin," sabi ko sa kanila at napahinga nang malalim.

Matagal ko nang gustong gawin ito. Halos wala na akong pahinga, pati tulog ay wala na. Alam kong parte ng trabaho ko ito pero, sobra na. Mistreatment, being overworked, scolding everywhere, plenty of demands... nakakapagod.

My work should be my happiness, my peace because, it's the thing I love but right now, it's exhausting me.

"Ano 'yon, 'nak? May problema ba?" I heard my father's voice.

Go, Vanessa. Tell your parents.

"'Ma, 'Pa, I wanted so bad to rest..." I took a deep breath again. "Can you visit me here... and fetch me?"

Alluring Glances (SCS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon