For some reason, I felt relieve knowing that there's someone who knows me as the real me. Nanlambot ang puso ko nang makita ang sinseridad sa mata ni Alistair. Nakikita kong totoo ang sinasabi niya at nagtitiwala ako sa kaniya.
"Alistair," tawag ko habang naglalakad kami patungo sa sakayan ng tricycle. Alas syete na ng gabi kaya nagdesisyon na rin kaming umuwi dahil baka hinahanap na rin siya ng mga magulang niya.
"Hmm?"
I look around, making sure that there's no one who could hear us. "Paano mo napansin na... na ako ito?" nahihiyang tanong ko.
Alistair smiled again at me. "Binago mo man 'yong itsura mo, nakilala pa rin kita. Tagahanga mo ako eh kaya lagi kitang sinusubaybayan," aniya. "No'ng kumalat ang balita na umalis ka sa agency mo, siyempre nalungkot ako pero, para sa kalusugan mo naman 'yon. No'ng nakita kita dito sa Sto. Tomas, natuwa ako pero, nagpanggap akong hindi ka kilala dahil nirerespeto ko ang privacy mo."
Hindi ko alam na isa pala siya sa mga sumusubaybay sa akin. Nakakatuwang isipin na nirespeto niya ang kagustuhan kong malayo muna sa atensyon ng mga tao. Nakakatuwa na tinulungan niya akong gawin ang gusto ko. For that, I can't help but to hug Alistair.
"Thank you, Alistair," bulong ko habang nakayakap sa kaniya. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin pabalik.
"Walang anuman, Vanessa pero, uhm... p'wede pa-picture?" tanong niya bago humagikhik kaya hindi ko naiwasang mapangiti. Lumayo ako at kinuha ang cellphone ko saka binuksan ang camera.
She excitedly wrapped her arm around my waist while I put my arm on her shoulders. Her cheeks squished with mine as we both smile while I capture the photo.
I sat on my bed after I changed my clothes when I got home. Sumandal ako sa kama ko at binuksan ang cellphone ko.
"I should send this to Alistair," bulong ko pero, nang maalalang hindi ko pala alam ang facebook account niya o ang number niya, napagdesisyunan kong tanungin si Kaloy.
Speaking of Kaloy, I miss him. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Maybe, busy at the bar? Should I chat him?
In the middle of my thoughts, my phone beeped. Mukhang hindi ko na kailangang pag-isipan kung icha-chat ko ba siya o hindi dahil, nauna na siyang mag-chat.
boyfie: Madam kong mahal, nakauwi na kayo ni Alistair?
I instantly replied to him.
madam kong mahal <3: Yup, nasa apartment na ako. Ikaw ba, nasa trabaho ka na?
boyfie: Opo, wala pang masyadong tao kaya libre pa ako. Kumain ka na, madam?
Napanguso ako habang nakatingin sa message niya. "Girlfriend na niya ako, madam pa rin ang tawag niya sa akin?" tanong ko.
madam kong mahal <3: May I ask you something?
boyfie: po?
madam kong mahal <3: Girlfriend mo na ako pero, bakit madam pa rin ang tawag mo sa akin? :(
Mabilis niyang na-seen ang mensahe pero, hindi agad siya nag-reply. Nanatili akong naghihintay sa reply niya pero, isang minuto na ang lumipas ay wala pa rin.
Oh, maybe he started working now? Baka nga.
Bumuntonghininga ako at magcha-chat na sanang muli nang mag-send siya ng reply.
boyfie: Madam kita kasi sa 'yo lang ako kakalampag— este, sa 'yo lang ako susunod. Kahit anong desisyon mo, susundin at rerespetuhin ko kasi gano'n kita kamahal. Wala akong pakialam kung magmukha akong tuta kakasunod sa 'yo o sa gusto mo. Mahal na mahal kita, madam.
BINABASA MO ANG
Alluring Glances (SCS #1)
RomanceSoaring Courage Series #1 - Vanessa Liel Anderson gains interest towards her father's field of work and hobbies. As she grows up, she witnesses how passionate her father is when it comes to art and appreciating the beauty of every single thing. She...