7.

176 7 0
                                        

"Anak!" My mother ran towards me and hugged me tight. Agad akong yumakap pabalik sa mama ko at sinulyapan si papa na nakangiti habang nakatingin sa amin.

"Hello, princess. How are you here? Maayos ba itong tinutuluyan mo?" Papa went to me and kissed my forehead. "Nakausap ko ang may-ari nito, kapag may problema ka dito sa bahay ay magsabi ka lang daw sa kaniya," sabi ni Papa.

"Maayos po ako, Papa. Wala naman pong problema dito," sabi ko. Mama went with me and sat on the sofa while, Papa is checking the house. Maya-maya ay tumabi rin siya sa amin ni Mama.

"Hindi namin naisama si Sarus, may klase ang kapatid mo eh," sabi ni Papa na agad ko namang tinanguan. Expected ko naman na hindi talaga makakasama si Sarus dahil sa sobrang abala sa klase niya.

"Nagdala kami ni Papa mo ng mga groceries. Sapat na 'yan para sa isang buwang supply mo, 'nak tapos ito, pang-allowance mo," sabi ni mama sa akin at inabot sa akin ang pera na agad kong itinago.

Napangiti ako at humalik sa pisngi nilang dalawa. "Salamat po, mama at papa. Napagod po ba kayo sa byahe? P'wede po kayong magpahinga muna sa kwarto ko," paanyaya ko sa kanila.

"Hindi naman, prinsesa ko. Basta kapag kasama ko ang mama mo, hinding-hindi ako napapagod," banat ni papa na ikinangiti ko. Mana, on the other side, rolled her eyes but, there's a visible smile on her lips.

"Harot mo, Victorious Khein!"

Buong araw kaming nag-bonding ng mga magulang ko. Ipinagluto ko sila ng pagkain at  nagkwentuhan lang kami gaya ng lagi naming ginagawa. Sayang lang at wala si Sarus pero, masaya pa rin naman ako dahil binisita nila ako.

"Ayaw niyo po bang mag-overnight? Gabi na po at delikado na sa daan," sabi ko nang magpaalam silang aalis na at babalik na sa Laguna.

"Anak, may appointment ako bukas sa isang kasal kaya kailangang kong umuwi," sabi ni papa sa akin. "Kung gusto niyo, dito muna ang mama mo tapos, susunduin ko na lang siya bukas pagkatapos ko sa trabaho, okay ba?"

I turned to mama who looks worried about papa. Gabing-gabi na kasi talaga at delikado nang bumyahe. I know their history and how much that one accident caused them too much struggles. Naiintindihan ko ang reaksyon ni mama at ang pag-ayaw niya na bumyahe si papa ngayong gabi. Maging ako, ayoko rin na bumyaheng mag-isa si papa.

"V..." Mama called Papa. Napalingon naman si Papa sa kaniya. "Tama ang anak mo, delikado sa labas. Anong oras ba ang appointment mo?" tanong ni mama.

Papa sighs and went to hug mama. "10 am, baby. Why? Do you want me to stay?" Papa then turned to me. "Do you want me to stay, 'nak?"

Huminga ako nang malalim at tumango. "Can you stay, papa? Mag-aalala po kami ni mama kung aalis ka ngayong gabi." Sumilip ako sa labas at nakitang malakas ang hangin, mukhang uulan.

Napansin din 'yon ni papa kaya huminga siya nang malalim at ngumiti sa amin.

"Okay, if my beloved ladies want me to stay, Papa will stay."

Nang gabing 'yon, sama-sama kaming tatlo na natulog. Tinawagan ni Papa si Sarus kaya ang laki ng ngiti ko habang nakatingin sa gwapong mukha ng kapatid ko.

"Baka bukas pa kami makakauwi d'yan, anak," Mama said.

"It's fine. I'm staying at Lara's, tutulungan ko siyang mag-review," sagot ng kapatid ko at bahagyang inilayo ang phone niya sa mukha niya at ipinakita ang katabi niyang si Lara na abala sa pagbabasa. Napaangat ng tingin si Lara at ngumiti sa amin.

"Magandang gabi po, Tito Victorious, Tita Sheen, Ate Vanessa," bati nito sa amin.

"Hi, Lara!" I waved at her. She smiled and waved back.

"'Wag kayong magpupuyat, ha? Baka sumakit ang mga ulo at mata niyo," paalala ni papa sa kanilang dalawa.

"Yes po, tito," sagot ni Lara.

"Lara, pasaway ba 'yang binata namin d'yan?" nang-aasar na tanong ni mama kay Sarus na sumimangot nang marinig ang tanong ni mama. Si Lara naman ay natawa at sumulyap pa kay Sarus.

"Hindi naman po, matino naman po si Sarus. Kapag nagpasaway po, asahan niyong ako ang unang babatok sa kaniya," tumatawang sabi ni Lara.

"Lara naman! Ako ang bestfriend mo, bakit ka nakikipagtulungan sa kanila?" pagmamaktol ng kapatid ko.

Nagpaalam na rin kami kay Sarus dahil mag-aaral pa daw sila. Pinaalalahanan ulit sila ni Papa na 'wag magpupuyat bago niya pinatay ang tawag.

Katabi ko si mama at papa sa pagtulog kaya sigurado ako na makakatulog ako nang mahimbing. My heart felt light and at peace when both of them hugged me. I whispered goodnight to my parents before dozing off to sleep.

Kinabukasan ay nagising akong wala na si mama at papa sa tabi ko. Paglabas ko ay naabutan ko silang nasa kusina habang naghahanda si mama ng almusal kaya agad akong lumapit at bumati sa kanila.

"Nakilala mo na ba ang mga tao dito, 'nak? Mababait sila, 'no?" Mama asked while we are eating. Sumagi sa isip ko ang mga taong nakilala ko. Ang tindera sa tapat, si Keicy, Kurt at si Kaloy. Mababait silang lahat sa akin kaya sa palagay ko ay hindi ako mahihirapan na manirahan dito.

"Opo, may mga nakilala na po ako at nakausap. Mababait po talaga sila," sagot ko.

Papa's brow raised. "May lalaki ka bang nakilala, 'nak?"

Nanlaki ang mata ko nang masalubong ang nanunuring tingin ni papa. Nakatingin lang siya sa akin nang gano'n at kung hindi pa hahampasin ni mama ang balikat niya, hindi pa siya iiwas.

"Bakit ganiyan ka makatingin sa anak mo, ha? Hindi pa ba siya p'wedeng mag-boyfriend?" tanong ni mama.

"Huh? Boyfriend?" tanong ko.

Papa turned his gaze back to me. "Kailangang makilala muna namin ni Sarus ang lalaki kung mayroon," sabi ni Papa.

"Teka po! Time's up!" pag-awat ko at itinaas pa ang dalawang kamay ko. "Mama, Papa..." I took a deep breath. "Ano pong sinasabi niyong boyfriend? Wala naman po akong gano'n! Bakit po ganiyan ang sinasabi niyo?"

Mama smiled at me. "Nauna kaming magising sa 'yo kanina, 'nak. May tumawag kasi sa papa mo kaya nagising din ako. Lumabas kami para hindi ka magising..."

"Tapos po?"

"May lalaki kasi kanina, may kasamang isang babae at lalaki. Nagtatalo pa yata sila tapos, binanggit ang pangalan mo," sabi ni papa.

Agad naman akong napaayos ng upo. "Ano pong pinag-uusapan?" kuryosong tanong ko.

"Ang sabi nung batang lalaki sa kuya niya, 'wag na daw mahiya at kumatok na raw dito sa bahay. Ang pabebe daw ng kuya niya kasi nahihiya pa daw sa 'yo. Narinig din 'yon ng mama mo," he turned to my mother. "'Di ba, baby?" When my mother nodded, my mind immediately thought of Kaloy and his siblings. Mukhang balak nilang bumisita gaya ng sabi ni Kaloy nung isang araw.

"Kilala mo sila, 'nak?"

I didn't hesitate to nod. "Kilala ko po. Isa po sila sa nakilala ko noong unang araw ko po dito," sagot ko.

"Kaibigan mo? Pati 'yong kuya?" nakangiting tanong ni mama.

"Opo, kaibigan ko po."

Napangiti si mama. "Masaya akong may nakilala ka rito, 'nak. Kung ayos lang, p'wede ba namin silang makilala ng papa mo?"

Hindi naman ako tumanggi sa request ni mama at papa. Ang problema ko lang... hindi ko alam paano tatawagan si Kaloy. Pupuntahan ko ba sa bahay nila at susunduin? Kaso, nakakahiya naman kung basta akong susulpot doon. Kailangan ko munang masiguro na hindi sila abala.

Now, how will I contact Kaloy?

Alluring Glances (SCS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon