Staring at the ceiling, I couldn't stop thinking about that certain guy who never failed to amaze me. How charming his smile is, how thoughtful he is, how he exerts so much effort for me, how he always proves me how he likes me... How could I waste a man like him? He's an ideal guy that every girls dream for.
The thought of him brings smile in my face. The excitement whenever my phone beeps for his message. The tingling feeling whenever he looks at me like I'm the most precious sight in his eyes. I feel special whenever I'm with Kaloy.
Tumagilid ako at niyakap ang unan ko. I gasped when suddenly, Kaloy's face appeared in front of me. I feel like he's beside me and staring at me with those lovely eyes of his.
I chuckled and buried my face on my pillow, feeling the heat on my cheeks. Nai-imagine ko na siya sa harapan ko! What the hell, Vanessa?
"Aww, my heart," I pouted and hold my chest, feeling the rapid beat of my heart. Napaawang ang labi ko bago ako tumihaya at tumitig sa kisame.
"Anong ginagawa mo sa akin, Kaloy?" tulalang tanong ko habang nakahawak sa dibdib ko.
The next day, my heart felt the excitement by the thought of seeing Kaloy and spending another day with him. Maaga pa lang ay nasa labas na ako at inaabangan siya. Natanaw ko pa si Nanay Brenda na nag-aasikaso ng mga bumibili ng almusal sa kaniya.
I took a step forward and walk towards Nanay Brenda. Naupo ako sa mahabang upuan na gawa sa kahoy doon. Nang matapos si Nanay Brenda sa panunukli sa bumili ay saka siya bumaling sa akin.
"Oh, hija! Magandang umaga. Himala at ikaw ang naunang lumabas," natatawang sabi ng ginang. Ngumiti ako sa kaniya.
"Maaga lang po akong nagising," sabi ko kahit ang totoo ay halos hindi ako nakatulog kakaisip.
Tumango si Nanay Brenda. "Nag-almusal ka na ba, hija?" tanong niya.
"Hindi pa nga po eh," sabi ko at tumayo para sumilip sa mga paninda niya. May palabok, sopas, lugaw, pancit, at spaghetti. Unusual breakfast but, it seems like people here eat these foods during their breakfast.
Tinuro ko ang palabok at agad naman 'yong hinanda ni Nanay Brenda. Pinanood ko ang pagpiga niya ng calamansi doon at kung paano humalo 'yon sa palabok. Nakakatakam.
"Magkano po?"
"Kinse pesos, hija."
Nag-abot ako ng bente pesos kay Nanay Brenda at sinimulang kainin ang palabok na binili ko. Ipinaghanda pa ako ni Nanay Brenda ng tubig kaya naman nagpasalamat ako.
Habang kumakain ay tanaw ko ang telebisyon sa loob ng bahay nila Nanay Brenda. Nanonood ng pang-umagang balita ang sa tingin ko'y asawa niya at anak na babae.
I'm not worried. Bihira lang naman kasing ibalita sa telebisyon ang buhay naming mga modelo. Maski ako ay bilang lang sa kamay kung ilang beses akong lumabas sa telebisyon. Dalawa? Tatlo? Hindi ako sigurado. Karamihan ng exposure ko noon ay sa social media.
I guess, that's why many people here doesn't recognize me and it's fine.
Naubos ko ang palabok at saktong dumating na si Kaloy. Nagulat pa siya nang makitang nauna ako sa kaniya.
"Bibilhan sana kita ng almusal, madam. Nakakain ka na pala," aniya at ngumiti sa akin. Siyempre, nagbida-bida na naman ang puso ko sa pagkabog.
"Ayos na. Uhm, ikaw ba? Nag-almusal ka na?"
Kaloy blushed and bit his lip. "Tapos na, madam ko. Ano? Tara na? Nabayaran mo na ba 'yan? Ako na ang magbabaya—"
"Halika na."
Nanay Brenda squealed in delight when she saw what I did. I smirked and turned to Nanay Brenda before waving. Hinila ko ang kamay ni Kaloy patungo sa sakayan ng tricycle habang ang lalaki ay tulala pa rin.
Ha! Akala niya siya lang ang p'wedeng gumulo sa sistema ko. Ako rin dapat. I should change my middle name, right?
Vanessa "tumatapang humarot" Anderson.
"Dalawa po!" masiglang sabi ko at sumakay na sa tricycle. Nakatitig lang sa akin si Kaloy at nang mapansin ko ang marahang tingin niya ay napangiti ako.
Kaloy is a heaven-sent to me. He's the guy I never expected to have. The guy I never wished but, came into my life. Napagtanto ko na may nararamdaman ako para sa kaniya at alam ko na kahit hindi niya sabihin o hindi niya ako tanungin, naghihintay siyang sabihin ko na gusto ko rin siya.
Madami na siyang nagawa para sa akin. Samantalang ako, wala pa. Ipagdadamot ko pa ba sa kaniya ang sagot na halos isang buwan niyang hinintay at pinaghirapan?
I cupped his cheek and shifted to face him. Kaloy remained looking at me with his soft eyes. He was anticipating for what I'm going to say.
"Kaloy, kailan ang birthday mo?" tanong ko sa kaniya habang nakatitig sa mga mata niya.
"Hm?" his brow raised. "Three days from now, madam ko," sagot niya. "Bakit mo pala natanong?"
I smiled at him and took my phone out. He watched me do something on my phone and was about to ask when the tricycle stopped. Nauna siyang bumaba at sinabing siya na ang magbabayad ng pamasahe namin. Tumango lang ako at inabala ang sarili ko sa cellphone ko.
"Madame, ano 'yan?" Sinubukan niyang sumilip pero, iniwas ko ang phone ko.
"Bawal, saglit lang."
I hid the screen from him and when I'm done, I smiled at him. "Kunin mo phone mo tapos, check ka ng message or notifs," sabi ko habang unti-unting naglalakad palagpas sa kaniya.
Huminto siya at nakita kong sinilip niya ang phone niya. His confused eyes turned wide before it gazes at me.
"Madame? B-bakit?" Pinakita niya sa akin ang chat ko.
madam kong mahal <3: Tigil ka na sa panliligaw, Kaloy.
I pressed my lips before walking to the entrance of the restaurant. Inabala ko ang sarili sa phone ko at muling nag-angat ng tingin sa kaniya. Naroon pa rin siya at nakatayo habang nakatingin sa akin gamit ang malungkot at nagtatakang mga mata.
His phone beeped and he took a glance. Ilang sandali pa ay tumakbo siya palapit sa akin at hinihingal na pinakita ang screen ng phone niya.
"Madam..." aniya at tinuro ang screen ng phone niya. "Nickname..." he muttered. I tiptoed and kissed him before dashing inside, clearly knowing that he will follow.
I ran towards the staff room. I took a glance at my phone, smiling at what I did.
You set nickname for suitor kong pogi <3 to boyfie.
Seconds later, he bombarded the convo with his chats.
boyfie: Karion Yusque found dead ⚰️
boyfie: Cause of death: kagandahan at mga pa-surprise ni madam kong mahal 🥹
boyfie: Madam! Nagpa-process pa utak ko! Labas ka d'yan, panagutan mo ito! 😭😭😭
boyfie: Boyfriend mo na ako? Totoo ba 'yan?
I opened the door of the staff room and saw hin in the middle of the resto, looking so lost while staring around until he caught my gaze.
"Sinasagot na kita, boyfie!" I shouted before slamming the door shut, completely forgetting about our co-workers and customers watching us.

BINABASA MO ANG
Alluring Glances (SCS #1)
RomanceSoaring Courage Series #1 - Vanessa Liel Anderson gains interest towards her father's field of work and hobbies. As she grows up, she witnesses how passionate her father is when it comes to art and appreciating the beauty of every single thing. She...