14.

144 6 0
                                        

It was already 12:30 in the afternoon. Gaya ng nakagawian, kasabay ko si Kaloy na lumabas. Mukhang hinintay din niya ako para sumabay. Nang tanungin ko siya kung anong sasabihin niya kay Luke kanina, ang sabi niya ay may iaabot lang daw siya na papeles. He asked me the same thing. Ano daw ginagawa ko sa opisina ni Luke?

"I requested for him to change my shift schedule," sagot ko. Naglalakad kami ngayon dahil gusto daw niyang bumili ng pasalubong para sa dalawa. Donuts daw at may alam siyang bilihan dito kaya hindi muna kami sumakay ng tricycle.

"Pinabago mo?" tanong niya sa akin. "Bakit? Ayaw mo akong kasabay?" he suddenly looks so down. Agad ko namang inangat ang kamay ko at kinurot nang bahagya ang pisngi niya.

"Sira, hindi! Bakit ba ganiyan agad ang naiisip mo?" tanong ko. Nag-angat naman siya ng tingin at sinalubong ang mata ko. "Umaga pa rin naman ang shift ko kasabay mo. Ang request ko lang ay pahabain ang shift ko. Wala naman kasi akong masyadong ginagawa pagkatapos ng trabaho," sabi ko sa kaniya.

He nodded while pouting. "Pero madam, kaya ko nga ni-request kay Boss Luke na gano'n ang shift mo kasi sobrang tagal ng 7am to 4pm na shift," aniya at napaiwas ng tingin sa akin.

"Concern ka?" nakangising tanong ko.

Kaloy's eyes remained avoiding my gaze. "Oo naman..." bulong niya. Napangiti ako at nagpasyang asarin siya.

"Ayaw mo no'n? Sabay tayo sa pag-uwi at pagpasok?" tanong ko. He hesitantly nodded, making me smile. He looks so shy.

"Bakit mo pala ako gustong kasabay sa pagpasok saka pag-uwi?"

His eyes slightly widened and he suddenly looks defensive. "Kasi gusto kong safe kang makauwi! Kaya gusto kong makasabay kang umuwi kasi gusto kong maihatid ka nang maayos. Mahirap na kasi ngayon, madam at baka mapahamak ka sa daan," sabi niya saka itinuloy ang paglalakad.

Natahimik ako at gano'n din siya. Ilang sandali pa nang huminto siya sa tapat ng bilihan ng donut. Hinintay ko siyang makabili at nang matapos ay tumuloy kami sa paglalakad.

"Sure ka bang gusto mong magtrabaho hanggang hapon?" tanong niya habang nasa tricycle na kami.

Sumandal ako at tumango sa kaniya. "Hindi ako sanay nang walang ginagawa, Kaloy. Pagkatapos kasi ng shift, uuwi ako sa bahay tapos wala na, wala na akong gagawin," paliwanag ko.

Kaloy nodded to himself. "Sige, desisyon mo naman 'yan. Ang mahalaga, buong araw tayong magkakasama," aniya.

Napatitig ako sa kaniya at natahimik. Nakanguso siya habang nakaiwas ng tingin sa akin. Namumula pa ang pisngi at halatang hiyang-hiya sa sinasabi niya.

Kaloy and I met on an embarassing situation but as I get to know him more, I found his sides that I never expect to see. Makulit siya, maalaga sa mga kapatid, masipag magtrabaho, determinadong pagandahin ang buhay ng mga kapatid niya, isang ulirang kapatid at higit sa lahat, gwapo.

I wonder how many girls has a crush on him?

Kaloy puts his hand on his chest ang gasped, snapping me out of my thought. He looks like he's having a heart attack so, I panicked.

"Kaloy? Bakit?" tanong ko at humawak sa kamay niyang nakahawak sa dibdib niya. "May masakit ba sa 'yo?"

"Ouch, madam," he murmured. Napapikit pa kaya mas lalo akong nataranta.

"Kaloy, ano bang mangyayari?" Lumingon ako sa driver at akmang magsasalita ako nang hilahin niya ako. I landed on his chest, making my eyes wide. I felt his arm on my waist and his breath on my forehead.

"K-kaloy..." Nanuyo ang lalamunan ko nang mapagtanto kung gaano kami kalapit.

"Ang sama mo..." bulong niya.

Alluring Glances (SCS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon