"Vanessa, anak!"
Mabilis akong napayakap sa mama ko nang makita ko silang lumabas ng sasakyan. Napapikit ako at napasandal kay mama, dinadama ang init na dala niya na nagtatanggal ng pagod ko.
"Good morning po, Mr. and Mrs. Anderson," I heard Rea greeted. Bumitaw si mama at humarap kay Rea.
"Hello, Aurea. Call us Tita Sheen and Tito Victorious, ikaw talagang bata ka," Mama said and went to hug Rea.
Isang yakap ang naramdaman ko at nang tumingala ako ay nakita ko si papa. Ngumiti ako at sumandal din sa kaniya. Naramdaman ko naman ang paghalik niya sa noo ko.
"Is everything alright, princess?"
I just flashed a smile at my father and invited them to go to the café inside the agency. Marami ang tumingin sa amin pagpasok at ang iba ay bumati. I can see recognition in their eyes while staring at my parents.
Of course, the most amazing photographer and painter, Victorious Khein Anderson and his amazing wife, Leisheen Anderson is here.
Rea went to order the drinks for us while I sat with my parents. Nakatabi ako kay mama at nakasandal sa balikat niya. Si Papa maman ay tahimik lang na pinapanood kami, naghihintay ng sasabihin ko.
Ilang sandali pa nang dumating si Rea at dala ang mga inumin. Naupo siya sa tabi ni papa at tumingin sa akin. She seems to know what I'm about to say when she gave me a nod.
I took a deep breath and sat properly. I felt their eyes on me.
"Mama, Papa..." I called them. "Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa. Gusto ko po sanan magpaalam kung p'wedeng magbakasyon muna ako at magpahinga sa trabaho ko? Gusto kong pansamantalang tumigil muna para makapagpahinga." I glanced at my parents and saw their soft eyes.
Agad hinawakan ni Mama ang kamay ko. "Syempre naman, 'nak. P'wedeng p'wede kang magpahinga pero... ayos ka lang ba? Napansin ko kanina nang yakapin kita, pumayat ka tapos parang pagod na pagod ka," my mother turned to Rea. "Rea, kumakain ba nang maayos ang anak ko?"
Rea glanced at me becore turning to my mother. "I was with Vanessa the whole time, Tita. Sa sobrang hectic ng schedules, bihira na lang po siyang makakain nang maayos," sabi niya. Hindi naman ako nagreklamo doon dahil totoo naman. Gusto kong malaman ng mga magulang ko ang lagay ko.
"Your boss giving you a hard time, 'nak?" Papa asked after his silence eversince the conversation started.
I didn't hesitate to nod at him, suddenly wanting to cry and tell him everything.
"It's hard, papa. I'm getting tired. That's why, I'm asking for a rest," sabi ko. Naramdaman kong yumakap sa akin si mama habang si papa ay tumayo at tumingin kay Rea.
"Rea, p'wede mo ba akong samahan sa opisina ni Mr. Yap?" My father asked and my heart thumps in nervousness.
Agad akong napatayo nang pumayag si Rea at akmang aalis na sila. Hindi ako kinausap ni papa at hinayaang sumumod. Habang paakyat sa opisina ni Mr. Yap ay hindi ako mapakali. Kung hindi lang hawak ni mama ang kamay ko, baka nabuwal na ako sa kaba.
Tama ba na nagsumbong ako sa magulang ko? Tama ba na nagreklamo ako?
"Ito po 'yong opisina, tito," ani Rea.
"I will talk to him and you, Rea as my daughter's manager will come with me..." sabi ni Papa at tumingin sa amin ni mama. "Baby, stay here with Vanessa."
Pumasok silang dalawa at naiwan kami ni mama. Nanatiling nakayakap sa akin si mama habang hinihintay naming lumabas si papa. Hindi pa rin ako mapakali hanggang sa magulat ako nang marinig ang sigaw ni papa.

BINABASA MO ANG
Alluring Glances (SCS #1)
RomanceSoaring Courage Series #1 - Vanessa Liel Anderson gains interest towards her father's field of work and hobbies. As she grows up, she witnesses how passionate her father is when it comes to art and appreciating the beauty of every single thing. She...