31.

133 5 0
                                        

Thankfully, I managed to surpassed the photoshoot with him watching. Hindi ko maintindihan kung bakit nandito siya. Hindi ko maintindihan pero, aaminin ko nang masaya ako. Masaya ako na makita siyang muli. He seems fine now.

"Tito, kain po," pag-aaya ni Rea. My father nodded and smiled at her before joining us. I look around, trying to find him but, he's nowhere to be seen.

"Sinong hanap mo, 'nak?" tanong ni papa. I immediately shook my head and ate. Nakita kong kinuha ni papa ang phone niya at sinagot ang tawag. Isinandal niya sa isang tumbler ang phone patayo at napagtanto ko na video call pala 'yon.

"Usog ka dito, 'nak para kita ka ni mama mo at ng kapatid mo." Inusog ko ang upuan palapit kay papa at doon ko nakita si mama at Sarus na magkatabi at mukhang kumakain din.

"Hi po!" bati ko sa kanila. Sarus waved at me before biting the chicken he's holding. May naiwang sauce sa labi niya at nakita kong may pumunas no'n. "Ang kalat kumain ni Sarus, akala mo naman bata," reklamo ko pero, sinimangutan ako ng kapatid ko.

"At least, may tagapunas ng kalat," pagmamayabang niya at nang iusog ni mama ang phone niya, nakita ko ang girlfriend ni Sarus at natatawa. Kumaway pa ito sa amin kaya bumati at kumaway kami pabalik ni papa.

"Anong kinakain niyo d'yan?" tanong ni mama.

"Adobo, nag-order lang sila sa malapit na kainan," sagot ni papa. "Sarus, pare! Kumusta? Mukhang enjoy na enjoy ka sa baby treatment, ah," pang-aasar ni papa kay Sarus na muling sumimangot.

"Hija, sabihin mo lang kapag matigas ang ulo ni Sarus at hindi nakikinig, ha? Sumbong ka kay Sheen o kaya sa akin," sabi ni papa.

Nakita kong tumingin si Sarus kay mama. "Mama, p'wede bang magpaampon ng tatay?" nakasimangot na tanong niya at napahagalpak na lang kami ng tawa. Nakuha namin ang atensyon ng mga kasama namin kaya agad iniharap ni papa ang phone sa kanila. Kumaway naman agad ang team ko at bumati sa nanay ko at kapatid ko.

Exactly 1pm when the shoot resumed. It was in the middle of the shoot when he came. Nakita kong lumapit siya sa tatay ko pero, hindi naman niya kinausap. Tinitingnan lang niya ang monitor kung saan nagpa-flash ang shots.

Kabado ako buong shoot dahil sa presensya niya. Hindi pa nakatulong dahil nakatitig siya at minsan ay ngumingiti kapag nagtatama ang tingin namin.

It was already 5pm when they decided to call it a day. Nagpaalam na kami sa director na tuwang-tuwa sa resulta ng shoot. Lumapit ako kay papa na hinihintay na rin ako. He smiled at me when I went closer. I felt my father's arm on my shoulder as we walk outside the building. Nauna nang umuwi si Rea dahil sinabihan ko rin na magpahinga na.

"Ayos ka lang, 'nak?" tanong ni papa.

"Hm? Oo naman po, ayos na ayos po ako."

My father nodded and turned to me when we reached our car. "Ihahatid muna kita sa condo mo bago ako babyahe pauwi," sabi ng tatay ko.

"You're leaving already?" nakangusong tanong ko. My father caresses my head.

"As much as I want to stay, 'nak, hindi p'wede. I have a lot of work to do. Sorry, 'nak," malambing na sabi ni papa. He looked behind me before grinning. "I couldn't stay but, I have someone I know that'll be willing to stay with you," aniya at hindi pa man sinasabi ni papa kung sino, kumakalabog na agad ng mabilis ang puso ko.

"Sir..." his voice sent my heart in a rapid beating. I can feel him behind me.

"Anong sabi ng direktor?" my father asked him. Nanatili akong tahimik, hindi alam kung anong sasabihin o gagawin. Babatiin ko ba siya? Ngingitian?

"Binigay po sa akin ang email ng kumpanya. Kapag natapos niyo na raw pong i-edit ang pictures, update niyo raw po sila at sila na bahalang mag-promote." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Now, I'm slowly becoming confused.

What is he doing? Why is my father giving him orders? Bakit nandito siya sa Maynila? Bakit kasama siya ng tatay ko?

"Okay, thank you..." my father turned to me. "Vanessa, 'nak, si Karion..." he motioned Kaloy. "Assistant ko," dagdag ni papa kaya halos mapanganga ako.

"Huh?"

What the hell is happening? Si Kaloy, assistant ni papa? How come?

I turned to the man and cleared my throat. "Y-you're still studying, right? Bakit..." I couldn't form words the moment he smiled at me.

"Hi, Miss Vanessa..." bati niya. Nanatili akong tulala sa kaniya habang nagpoproseso sa utak ko ang lahat ng kaganapan.

Lumapit si papa sa kaniya at umakbay. "Karion applied to be my assistant, Vanessa. Hindi na p'wede ang mama mo dahil tumutulong siya sa pag-alaga sa kapatid mo kaya ito, si Karion ang assistant ko," paliwanag ni papa. "At dahil uuwi na ako, siya na muna ang bahala sa 'yo," sabi ni papa.

"Huh?" For the second time, I feel confused and lost. "Papa... 'Di ba, may trabaho ka? Bakit mo... bakit mo iiwan ang assistant mo dito?" tanong ko. Sumulyap ako kay Kaloy at nakitang pinapanood niya ako habang may maliit na ngiti sa labi.

"Anak, uuwi naman na ako. Kailangan ko lang naman si Karion kapag sa malalayong lugar ako nagtatrabaho," sagot ni papa.

"Eh, saan titira ito rito?" tanong ko at humarap sa lalaki. "Saan ba ang bahay mo?" tanong ko.

Unexpectedly, the guy has a sheepish smile on his lips.

"Sa condo mo, 'nak," sagot ni papa kaya nanlaki na ang mata ko.

"Bakit do'n? Wala ba siyang bahay?" tanong ko at halos mataranta na. I mean, come on! Si Kaloy 'yan, bakit hindi ako matataranta?

Pero, bakit ba ako natataranta sa harap niya? It's Kaloy, the man I used to love... and still love, okay? I still love him but, I don't get wht he should stay with me here. Ang ibig kong sabihin, maayos ang buhay niya kaya bakit... bakit nandito na naman siya malapit sa akin?

"Anak, ayaw mo bang kasama si Karion?" My father asked.

"Hindi naman po sa gano'n..." sabi ko at huminga nang malalim. My father just nodded at me before raising his arms, inviting me to hug him. Yumakap ako sa papa ko at naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko.

"'Nak, pasensiya na kung tinanggap ko si Karion. Alam ko kung anong meron kayo dati at kung hindi ka komportable na nandiyan siya, p'wede kong sabihin na maghanap na lang siya ng ibang trab—"

"No... no, papa...Let Kaloy work with you," bulong ko kay papa. I heard my father sighed and patted my head. Lumayo siya sa akin at ngumiti. His eyes telling me that I will be fine and he trusts Kaloy so much.

"Mauuna na ako, 'nak. Tawagan mo ang mama mo kapag may oras ka, ha? 'Wag mong papabayaan ang sarili mo dito," bilin ni papa bago siya tumungo sa sasakyan niya. He waved at me one last time before entering the car.

Now, I was left with Kaloy behind me.

"Miss Vanessa..." I heard him called me and somewhere in my heart wishes that he'll not call me that. "Tara, hatid na kita..." aniya at namalayan kong lumagpas na siya sa akin at naglalakad na patungo sa sasakyan na hindi ko namalayang nandoon pala.

I sighed and decided to just keep it to myself. Naglakad ako palapit sa sasakyan at sumakay doon. Kaloy began driving while I focused on the views outside.

I miss him calling me madam though.

Alluring Glances (SCS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon