I went to Nanay Brenda to give her some food from Kaloy's birthday the next morning. Marami kasi ang sobra at hindi namin maubos kaya pinamigay na lang namin. Dadalhan ko din mamaya ang mga katrabaho sa restaurant at dadalaw din ako sa mga kapatid ni Kaloy para dalhan sila ng pagkain.
Nagpasalamat ang ginang sa akin at matapos noon ay nagpaalam na ako na maghahanda na para sa trabaho. Susunduin na ulit ako ni Kaloy kaya kailangan ko nang mag-ayos.
Sabay kaming pumasok sa restaurant habang dala ko ang paper bag kung nasaan ang mga pagkain. Sumalubong kaagad sa amin si Luke na nakangiti habang nakatanaw sa amin.
"Kumusta ang birthday celebration, pare?" tanong ni Luke kay Kaloy.
"Unforgettable. The greatest day," sagot ni Kaloy at tumingin sa akin. "Siya nga pala, may dala kaming pagkain para sa lahat. Hindi namin naubos sa sobrang daming niluto ng girlfriend ko," sabi ni Kaloy at kinuha sa kamay ko ang paper bag.
"Ayos, salamat!" Luke smiled and called everyone. Agad nagsilapitan ang mga katrabaho namin. Hinanap ng mata ko si Alistair pero, wala siya kaya napanguso ako. Baka na-late lang.
Kinain ng lahat ang pagkaing dala namin. Ang iba ay nangantyaw pa sa aming dalawa ni Kaloy at ang iba naman ay binati si Kaloy. Napuno ng tawanan ang restaurant habang pinagsasaluhan namin ang niluto ko.
Saktong alas syete y medya nang magbukas ang restaurant. Kanina kasi ay sinara muna para makakain ang lahat nang walang abala at ngayong tapos na, binuksan na ang resto para magsimula ng panibagong araw sa trabaho.
"Luke? Nasaan si Alistair?" tanong ko nang madaanan si Luke na tumutulong sa pag-serve ng orders ko.
"Hmm? She texted me earlier. Baka daw hindi siya makapasok dahil may sakit daw ang nanay niya," sabi niya kaya napatango ako. Nabawasan ang pag-aalala ko dahil sa narinig. Akala ko kasi kung ano nang nangyari sa kaniya.
Habang nagtatrabaho ay nagkakasalubong kami ni Kaloy at humaharot na naman siya kaya buong shift ko ay nakangiti ako. Ganito pala talaga nagagawa ng may poging inspirasyon.
Nang magtanghalian, tumungo ako sa staff room at kinuha ang pagkain na ibinalot ko para kay Kurt at Keicy saka ako lumabas at sinalubong si Kaloy na mukhang pupuntahan din ako. Humawak siya sa kamay ko at sabay kaming lumabas ng resto bago tumungo sa plaza kung saan kami madalas mananghalian.
"Ate! Kuya!" Tumatakbo palapit sa amin si Kurt at Keicy na parehong nakangiti. Agad namin silang sinalubong ni Kaloy at niyakap.
Napansin ko na maraming tao sa plaza kaya napanguso ako. May bakanteng upuan doon pero, medyo mainit sa pwesto. Mukhang napansin din naman 'yon ng magkakapatid. Ilang sandali pa, naramdaman ko ang paghawak ni Keicy sa kamay ko.
"Sa bahay tayo, ate! Miss ka na po namin doon!"
Hindi ako tumutol sa sinabi ni Keicy. Apat kaming sumakay sa tricycle papunta sa bahay nila. Pagdating doon ay binuksan kaagad ni Kurt ang pinto. Napansin ko na nakasara rin ang tindahan nila at mukhang inaayos dahil may mga nakakalat na semento at hollowblocks doon.
"Pinapagawa niyo ang tindahan niyo?" tanong ko.
Tumango si Kaloy at sumulyap sa tindahan nila na nakasara. "Pina-renovate ko para mas lumaki tapos, mas marami kaming maibenta," sabi niya kaya napangiti ako.
"Ang sweet mo talagang kuya, 'no?" sabi ko at kinurot ang pisngi niya.
"Tapos sweet din akong boyfriend. Hays, ako lang ito," aniya at nang makita ang pag-irap ko ay agad siyang natawa at yumakap sa akin bago humalik sa pisngi ko.
Pinagsaluhan naming apat ang pagkain na niluto at pinainit ko kanina. May spaghetti doon at ulam na menudo na hindi namin naubos ni Kaloy kagabi.
"Ikaw po nagluto nito, ate?" tanong ni Keicy.

BINABASA MO ANG
Alluring Glances (SCS #1)
Roman d'amourSoaring Courage Series #1 - Vanessa Liel Anderson gains interest towards her father's field of work and hobbies. As she grows up, she witnesses how passionate her father is when it comes to art and appreciating the beauty of every single thing. She...