5.

185 4 0
                                    

I've been caught in embarassing situation a lot of times. Nandiyan 'yong matatapilok ako sa runway, mahuhuling nakanganga ng mga paparazzi, magkakaroon ng epic photos, memes, magiging lutang sa mga interviews pero... hindi pa ako nahiya nang ganito! 'Yong tipong gusto ko na lang magpalamon sa lupa o kaya maging bula tapos mag-evaporate na lang.

Dati kasi, hindi ko nakikita nang personal ang mga tao. Puro sa internet ko nakikita 'yong mga memes, funny videos and funny fails ko pero ngayon, ito na! May tao akong kaharap tapos, lalaki pa!

"Miss, itatali ko lang sa bewang mo, ha? Kung okay lang sa 'yo. Kapag hindi ka komportable, ibibigay ko na lang muna sa 'yo itong polo ko tapos, gamitin mo hanggang sa makauwi ka. Labhan mo na lang," the guy said.

Vanessa, calm down! You must stay calm. You can do it, okay?

I slowly inhaled and hold it in for a few second then exhaled. Unti-unti akong humarap sa lalaki. Hinawakan ko ang sleeves ng polo niya na agad niya namang binitawan. Itinali ko 'yon sa bewang ko at ngumiti sa kaniya.

"Salamat po, lalabhan ko na lang itong polo mo," nakangiting hilaw na sabi ko. The guy chuckled and nodded.

"Sige, miss. Pag-uwi mo sa bahay niyo, palit ka kaagad para maging komportable ka," sabi niya.

Oh, what a caring man.

I smiled at him again. "Salamat ulit... uhm..." I paused, realizing that I don't know his name.

He cleared his throat. Nag-aalangan pa siya kung maglalahad siya ng kamay pero, sa huli ay naglahad pa rin siya. Ngumiti siyang muli sa akin.

"Karion Lorenz, miss. Kaloy na lang ang itawag mo sa akin," pagpapakilala niya. Sinuklian ko naman ang ngiti niya at inabot ang kamay niya.

"Vanessa," maikling sabi ko. Napansin kong natigilan siya bago unti-unting ngumiti. This guy loved to smile, huh?

"Nice meeting you, Vanessa," Kaloy said with a smile on his face. Natigil lang 'yon nang may tumawag sa kaniya.

"Hijo, kukunin mo ba itong ulam o siya ang kukunin mo?" biro ng ginang doon na ikinainit ng pisngi ko. Napabitaw ako sa pagkakahawak sa kamay ni Kaloy saka ako bahagyang yumuko para magpaalam. Walang lingon akong tumungo sa bahay at pumasok.

Napahinga ako nang maluwag nang maisara ang pinto. Naglakad na rin ako palapit sa kusina at inihain ang binili kong ulam at kanin. Mabuti na lang at nakabukas ang ref dito kaya binuksan ko 'yon at nakitang may tubig doon.

I ate alone and after that, I washed the dishes. Nang matapos ay umakyat ako patungo sa kwarto ko para makapagpahinga at matawagan na rin ang mga magulang ko.

I settled myself on the bed and grabbed my phone. Mabuti at may battery pa ito kaya agad akong tumayo at lumapit sa bintana para sa mas malakas na signal.

I tried calling my brother but, I realized that he might be in his class so, I changed my mind. I tried calling my mom instead. I was tapping my fingers on the wooden frame of the window while waiting for mama to answer the call.

The ringing stops and later on, I heard my mother's voice.

"Anak?"

I smiled softly. "Mama, hello po! Nakarating na po ako," sabi ko.

"Mabuti naman, 'nak. Kumain ka na ba? Wala kang stock ng pagkain d'yan, 'di ba?"

Napangiti ako at napasandal. "Kumain na po ako, mama at opo, wala nga pong stock dito. Balak ko po sana na mag-grocery manaya," sagot ko.

"Gusto mong dumalaw kami ng papa mo para madalhan ka namin ng mga supply mo d'yan?"

"Hindi po ba makakaabala, 'ma?" tanong ko.

Alluring Glances (SCS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon